Bebot; isa pang dalagita, kulong sa Shabu

MAGKASAMANG DINALA sa presinto ang isang babae at isa kasamang dalagita matapos mahulihan ng Shabu sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs si Perlita Balagosa, 44; at ang dalagitang kasama nito na kapwa ng Duhat St., Camarin ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-4 ng madaling-araw, nagsasagawa ng operation ang mga pulis laban sa droga sa Almar Road, Camarin ng lungsod nang maispatan ang mga suspek na may dalang Shabu.

Agad na dinakip ang mga suspek at nakuha ang isang sachet ng Shabu at dinala sa presinto.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.