Bebot, Hinoldap ng Apat sa Jeep

MINALAS ANG isang bebot dahil puro holdaper ang nakasakay sa jeep na pampasahero na naging dahilan upang maholdap sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Rose Ann Amadeo, 25, ng Navotas West ng lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis upang makilala ang apat na nakatakas na suspek.

Sa ulat, alas-5 ng umaga, sumakay ng pampasaherong jeep ang biktima at nakasakay ang apat na suspek, kung saan pagsapit sa C-4 North Bay Bolevard North ay nagdeklara ng holdap ang mga huli.

Sa takot dahil nag-iisa ay agad na ibinigay ng biktima ang dalawang cellphone at wallet na naglalaman ng P3,000.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nagsadya naman sa presinto ang biktima, kung saan inaalam na rin ng mga pulis kung kasabwat ng mga una ang driver ng nasakyan ni Amadeo na hindi pa nakukuha ang pangalan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.