Bebot, Hinabol ang Snatcher; Cellphone, Nabawi

LAKAS AT tibay ng loob ang na-ging puhunan ng isang dalaga para mabawi at maaresto ang isang snatcher na umano ay humablot sa cellphone ng biktima habang ang biktima ay sakay ng isang pampasaherong dyip sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Lisa Fernandez, 20, estudyante, at residente ng Block 34, Jasmine St., Villa Magdale ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Caloocan PNP ang suspek na nakilalang si Ariel Obrando, 19, binata at nakatira sa PNR Compound, Caloocan City.

Base sa ulat ni PO2 Jonathan David, may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente ng sa kahabaan ng Samson Road.

Nabatid, sakay ang biktima ng isang pampasaherong sasakyan nang biglang sumakay sa estribo ng dyip at saka mabilis na hinalbot ng suspek ang hawak na cellphone ng biktima dahilan upang habulin nito ang tuma-takbong snatcher.

Habang hinahabol ng biktima ang suspek ay wala itong tigil sa kasisigaw na nakatawag naman ng pansin sa mga nakadestinong barangay tanod sa nasabing lugar na agarang rumesponde na nagresulta sa madaling pagkakaaresto sa suspek.

Nabawi sa snatcher ang inagaw na cellphone ni Fernandez at nahulihan pa ang suspek ng isang patalim na may habang 10 pulgada.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.