Bebot, Dinakma sa Pangdurukot sa Loob ng Mall

SWAK SA piitan ang isang babae matapos dukutan ang lalaki sa loob ng mall sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Nimfa Flores, 45, ng Tuazon St., Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nasa loob ng Victory Mall sa Monumento ang biktimang si Ricardo Mabilin, 38, ng Kabulusan ng lungsod nang mapansin na bukas ang dalang bag at wala ang inilagay sa cellphone.

Iginala ng biktima ang mga mata hanggang sa makita ang suspek na hawak ang cellphone na naging dahilan upang sunggaban.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga guwardiya ng mall at dinala ang suspek sa presinto habang nabawi ni Mabilin ang kanyang cellphone.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.