Bebot, Dedo sa Pagkalango

PATAY ANG isang babae matapos mabangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Marites Silang, 31, residente ng Carmen West sa bayan ng Rosales.

Base sa ulat ng mga kapulisan, naganap ang insidente sa harapan ng isang disco bar sa Brgy. Nancayasan sa bayan ng Rosales.

Matapos makipag-inuman ng biktima sa dalawang lala-

king kaibigan nito ay mabilis na pinatakbo ng biktima ang motorsiklo na nagresulta sa pagkakasalpok nito sa isang van na minamaneho naman ng isang Alvin Binados, isang abogado at residente sa bayan ng Sison.

Samantala, nadala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.