Bebot, Bugbog-Sarado sa Selosong Kinakasama

BUGBOG ANG inabot ng isang bebot mula sa selosong ka-live-in sa Navotas kahapon ng ha-tinggabi.

Nadakip naman ang suspek na si Philip Fernandez, 26, ng Bangus St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Jennelyn Daganta, 27, dakong alas-12 ng hatinggabi nang magtalo sila ng suspek sa R-10, Sitio Sto. Niño, NBBS ng lungsod dahil may pinagseselosan si Fernandez.

Sapok at tadyak ang inabot ng biktima na nagawang maka-takbo at makahingi ng tulong sa mga barangay tanod at ipinada-kip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.