Bebot, binugbog ng ka-live-in sa tagayan

NAGMISTULA UMANONG kulay ube ang mukha ng isang babae, makaraang umbagin ng kanyang kinakasama matapos na pagselosan ng suspek ang biktima habang ang mga ito ay nagtatagayan sa Caloocan city kahapon ng umaga.

Kinilala PO1 Joseph Delacalsada, may hawak ng kaso, ang biktima na si Tacani Lee Buenaventura, 19, dalaga at residente ng 443 Palma St., Quiapo, Manila.

Kaagad namang tumakas sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang suspek na nakilalang si Jeff Anthony Ramos, 22, walang tiyak na tirahan.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Delacalsada, bandang alas-2 ng umaga nang maganap ang insidente sa 11th Ave. malapit sa Olga Church ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasaluku-yang nagtatagayan ng alak ang mag-live-in-partner nang biglang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa dahilang nagseselos ang suspek sa biktima.

Habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalo, bigla na lang pinagsusuntok ng suspek ang mukha ng biktima at nang mawalan umano ng malay ang una ay dali-daling tumakas ang huli.

Ang suspek ay pinaghahanap na ng pulisya para masampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ng Caloocan City.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.