Bebot, binaboy ng sariling ama

KULUNGAN ANG kinabagsakan ng isang 49-anyos na ama matapos nitong gahasain ang sariling anak sa Caloocan  City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan Police ang suspek na itinago sa pangalang Mang Rey, 49, ng 6th Avenue ng lungsod.

Ayon naman sa salaysay ng bitkima, edad 19, 17-anyos pa lang siya ng una siyang halayin ng kanyang ama at natigil lang nang mag-asawa siya.

Kamakailan ay pinasok ng suspek ang biktima sa loob ng kuwarto sa nasabing lugar at pinipilit na makipagtalik subalit tumanggi ang huli.

Nagbanta pa u-manong sasaktan ng suspek ang biktima hanggang sa dumating ang asawa ng babae na naging dahilan upang tumalilis ang una.

Nasabi ng biktima sa kanyang asawa ang kanyang sinapit na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.