Bebot, Bading at Tibo, Tiklo sa Cybersex

TATLONG KATAO na kinabibilangan ng isang babae, isang bakla at isang tomboy ang inaresto ng mga pulis makaraang maaktuhang guma-gawa umano ng kahalayan sa harap ng isang webcam sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga naarestong suspek ay ipagharap ng kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act 2012 (RA. 10175) ay nakilalang sina Jincky Isla, 26, ng Libis Espina, Caloocan City; Rylene Cuesto, 29, ng Block 11, Lot 9, Phase 3, Kaunlaran Village, Caloocan City; at Mark Joseph Cruz, 24, ng M. Hizon St., Sta. Cruz, Manila.

Base sa ulat ni SPO1 Joel Montebon ng Station Invesrtigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police at may hawak ng kaso, bandang alas-12 ng umaga nang maaresto ang mga nasabing suspek sa loob ng bahay ni Isla sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO1 Montebon, isang impormante ang tumawag sa tanggapan ng SIDMB at nagbigay ng impormasyon hinggil sa ginagawang kalaswaan ng mga naarestong suspek, kung saan ay agad na intasan sina PO1 Pelmar Taguinod, PO2 Michael Rivera at PO2 Rommel Bautista na magsagawa ng surveillance sa bahay ni Isla.

Nang maging positibo ang impormasyon, agad pinasok ng mga pulis ang bahay ni Isla at kanilang naaktuhan sina Cuesto at Cruz na parehong nakahubad habang nakaharap sa webcam.

Ayon sa mga nasabing pulis, kanilang nakita na hawak-hawak ni Cuesto ang galit na galit na ari ni Cruz at ipinapasok naman nito ang isang vibrator sa ari ni Cuesto habang pinanonood sila ni Isla na umano ay nagsasariling-sikap din.

Habang gumagawa ng kalaswaan ang mga suspek, pinanonood ng mga ito ang isang banyagang lalaki na nagma-masturbate sa monitor ng computer.

Sa puntong ito, kaagad na inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek at nakumpiska sa mga ito ang isang CPU, isang mouse, isang webcam at tatlong vibrator.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.