Bebot, Arestado sa Pananampal at Shabu

ARESTADO ANG isang 19-anyos na dalaga matapos mahulihan ng iligal na droga sa Dagupan City.

Nakilala ang salarin na si Janine Mae Genete, may live-in partner at tubong Mariveles, Bataan subalit pansamantala na-

mang naninirahan sa Nueva St. ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng mga kinauukulan, nagtungo umano ang suspek sa Malimgas Market at kumain sa canteen.

Pagkatapos kumain ay kinikilan pa nito ng P100 ang cashier ng canteen na si Rowena Ruizan, 32, na residente ng Brgy. Pantal, Dagupan.

Tumanggi ang cashier na bigyan ito ng P100 kaya’t nakatikim ng sampal mula sa suspek.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad at dito na nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang transparent heat sealed sachet ng pinaghihinalaang Shabu.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ito ng mga kinauukulan at nahaharap sa kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.