Beauty Queen, ni-rape ng BF

POSIBLENG HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang sapitin ng isang lalaki makaraang gahasain ang nobya nito na isang beauty queen sa Catanduanes.

Sa ulat, humahagulgol at puno ng pasa ang katawan ng biktimang itinago sa pangalang Mary nang dumulog sa pulisya upang isuplong ang kanyang boyfriend.

Sa salaysay ni Mary, sinabi niya sa kanyang nobyo na si Nonie Evasco mula Albay na nais na nitong makipaghiwalay dahil may iba na rin itong minamahal.

Subalit dahil sa galit ni Evasco, may-ari ng isang review center sa lalawigan, pinilit nitong dinala ang biktima sa isang hotel at doon sinaktan bago gahasain.

Sinasabing hindi na magawang makapalag ng biktima dahil tinatakot umano ito ng suspek na ipakakalat ang kanyang mga hubad na larawan.

Nang makalabas sa hotel ay nagtungo sa pulisya si Mary at ipinaa-resto si Evasco sa kasong Rape gayundin ang pagbabanta na ikakalat ang kanyang hubad na katawan.

Ang biktima ay ilang beses na ring nanalo sa mga beauty contest sa kanilang lalawigan at naging kinatawan sa Magayon Festival at kasalukuyang empleyado ng PhilHealth.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.