Beauty queen, na-trauma sa ex-husband?

ALTHOUGH BINAWI NA ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang desiyon nilang bawian ng korona ang Bb. Pilipinas-Universe winner na si Venus Raj, wala pa rin palang kasiguruhan kung siya na talaga ang magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant unless nakapag-produce na nga ang dalaga ng Philippine passport na siyang kundisyon ng mga taga-BPCI, na until now ay wala pa rin nga.

Nagtataka tuloy ang marami kung bakit ang tagal bago makakuha ng Philippine passport itong si Venus. Is she having a hard time kaya dahil nga sa naging usapin hinggil sa inconsistencies diumano kaugnay ng kanyang kapanganakan?

Anyway, habang hindi pa sigurado na siya na nga ang ipadadala sa Miss U, kasabay niyang nagti-training ngayon ang 2nd runner-up na si Nicollete Henson na siyang papalit sakaling hindi nga pupuwede si Venus.

Dahil sabay ngang naghahanda at nagsasanay para sa Miss U pageant, madalas na magkita sina Venus at Nicollette.  Kahit sinasabi nila parehong okey naman ang samahan nila, may mga nang-iintrigang nagpaplastikan lang daw ang mga ito.

Na hindi naman maiaalis dahil ang dating nga, magkaagaw sila ngayon sa iisang korona at titulo, at maging sa once in a lifetime chance na mag-compete sa Miss Universe. Normal lang na isipin ng iba na habang nagpupursige si Venus, baka idinadasal naman nitong si Nicollete na huwag makakuha ng Philippine passport ang una para siya na ang maipadala.

Aware naman daw pareho ang dalawa na may gano’ng intriga sa kanila. Pero hindi umano nila gustong magpaapekto.  Basta ang nasa isip lang daw nilang pareho, kung sino man sa kanila umano ang maging representative ng Pilipinas sa Miss Universe para sa taong ito, suportahan na lang daw natin.

Ganyan?

EXCITED DAW SI Rhian Ramos sa nalalapit na pagtatambal nila ni Aljur Abrenica. Interesting daw talaga for her na makasama sa trabaho ang binata.

“Aljur to me… he’s young, he’s fresh at saka ‘yon na nga,  parang interesting because for the first time in my life, he’s probably like the closest person to my age,” aniya nga. “Tapos I feel like a teenager again.”

Rhian is 19 at 20 years old naman si Aljur. Marami naman ang kumbinsidong bagay o may chemistry rin sila bilang magkapareha.

Tungkol sa project na kanilang pagtatambalan, hindi muna makapagbigay ng detalye ang dalaga. May mga pagbabago pa raw kasing nangyayari sa ngayon na pati ‘yong istorya ay inaayos pa rin umano. Basta ang sigurado lang daw, kasado na at tuloy ang pagtatambal nila ni Aljur.

MATAGAL NANG HIWALAY ang isang beauty queen sa asawang businessman pero until now, nananatiling zero ang kanyang lovelife. Walang napapabalita ni nanliligaw man lang sa kanya.

Ang dahilan, na-trauma na raw kasi sa lalaki ang beauty queen na ito. Ayon sa mga taong close sa kanya, tila naging isang malaking bangungot daw sa beauty queen na ito ang kinahantungan ng pagpapakasal niya sa isang businessman.  Dahilan para matakot daw itong makipagrelasyon muli.

Sa tindi raw ng trauma ng beauty queen, until now ay may mga pagkakataong bigla na lang daw matutulala ito at pagkatapos ay sisigaw ng pagkalakas-lakas. Na para bang meron siyang mabigat na kinikimkim sa kanyang kalooban na hindi niya mailabas-labas.

Clueless ang kanyang pamilya and her closest friends kung ano nga ba ang kanyang pinagdaanan noon at pinagdaraanan pa rin hanggang ngayon. Pero dati, kahihiwalay pa lang niya sa kanyang asawa, may kumalat na balitang may mga nude photos niya umanong pinakakalat ang kanyang ex-husband na naka-base abroad.

Mga hubad niyang larawang mismong ang kanyang asawa pa raw ang kumuha. Na nang maghiwalay sila ay parang mga postcards daw na ipinamimigay kung kani-kanino ng ex-husband nga ng beauty queen.

Mula sa pagkakadapa, akala ng marami ay ganap nang nakabangon ang beauty queen. Pero hanggang sa ngayon pala ay tila minumulto pa rin siya ng madilim na kahapong hindi pa rin niya natatakasan hanggang ngayon.

Tsk… tsk… tsk!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

5 thoughts on “Beauty queen, na-trauma sa ex-husband?

  1. Kawawa naman pala ang sinapit ni Miriam Quiambao sa kanyang BAKLANG ASAWA. Tapos kinunan pa siya ng naka nude pang blackmail para huwag siyang magsalita.Tsk..tsk..tsk..

  2. willie to villar: “senator, mas maganda na yung tayong nasasaktan kesa tayo ang mananakit”…….

    willie to ABS-CBN: “tanggalin nyo si sucaldito or ako ang magreresign”

  3. Hellooooooo ang boba naman ni rhian. Teenager ka pa rin neng kasi 19 ka pa lang, kung totoo yan ha. Bobita Mirasol!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.