Beauty queen na na-link kay Benjamin Alves: si Ariella Arida o si Janine Tugonon?

Ariella Arida, Benjamin Alves, and Janine Tugonon

Ariella Arida, Benjamin Alves, and Janine Tugonon

By accident, nakilala namin in person si Ariella Arida last Saturday evening. Beauty queen ang peg niya.

Tinanong namin nang diretsahan si Ariella kung siya ‘yong beauty queen na na-link noon sa Kapuso talent na si Benjamin Alves.

“Hindi ako ‘yun,” sagot niya sa amin.

“Baka nanligaw lang,” dagdag pa ni Ariella.

Sabi ko, bakit hindi siya mag-showbiz. Pretty siya. Aurang pang-host o mag-teleserye.

Pero bulong sa amin ng isang kasama namin sa panulat, nagko-co-host na raw si Ariella sa show ni Willie Revillame.

Monday morning, nag-PM kami kay Benjamin sa kanyang Facebook asking him kung sino ‘yong beauty queen na na-link sa kanya. Waley reply si cutie boy Benjamin.

Pero may nag-PM sa akin, baka si Janine Tugonon (isa pang beauty queen) daw ‘yong tinutukoy ko na minsan ay nag-happy-happy pa nga sina Benjamin, at ang beauty queen na nakalimutan ko lang ang name. Sa Facebook ko nakita ‘yong Baguio trip ng binata at ng naturang beauty queen (with matching photos pa ng dalawa).

Nag-post ako ng tanong sa FB friends ko kung naalala nila ‘yong minsang na-link kay Benjamin.

Hari nawa’y mali ang kutob ko. Pero kung nagsingungaling ‘yong nag-deny, keps na lang niya ang walang latay. Hahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.