Beauty Queen mother, pinaghintay ang press sa launch ng endorsement ng kanyang anak

BLIND ITEM: Medyo naimbiyerna yata ang mga tao sa launching ng isang actress-model recently.

Kasi naman, hinintay pa raw ang beauty queen na mother niya bago umpisahan ang official launch niya as endorser.

Ang gusto yata ng mother dear ay naroon siya kasi major endorsement iyon ng kanyang dyunakis. Kaya lang, na-late siya kaya medyo naghintay ang mga press people na masimulan ang event.

And when she came ay naka-casual lang daw ang former beauty queen. This is understandable kasi naman mall naman ang event at hindi naman ginawa sa isang five-star hotel, ‘no.

Sa pagmamadali marahil na makaabot sa launching ng kanyang anak ay hindi na masyadong nag-ayos ang madir kaya naman sinuklayan pa siya ng sylist bago siya umupo sa harapan.

By Alex Brosas

loading...

3 thoughts on “Beauty Queen mother, pinaghintay ang press sa launch ng endorsement ng kanyang anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.