BEAUTY QUEEN MATERIAL: Michelle Vito, takot at kabado sumalang sa pageants!

Michelle Vito

PANG-BEAUTY QUEEN ang ganda ni Michelle Vito. She looks like Megan Young na dating Starstruck graduate na sumali sa Miss World at nanalo.         

 
Bukod sa matangakad na, iba ang dating ng dalaga. Iba ang bearing na kapag nakaharap mo siya, she will answer your questions with ease na walang kaba at hindi dinadaga ang dibdib.
 
Sa press launch ng bagong pelikula ng dalaga for Regal Films na “The Debutantes”, ay inamin ng dalaga na gustuhin man niya na sumali sa isang patimpalak ng kagandahan ay tila hindi niya keri. Kabado siya kahit sabihin na sa Question and Answer portion, malulusutan niya ito with flyingc olors lalo pa’t magaling siya sumasagot sa mga tanong sa kanya.
 
One major reason kung bakit ayaw kasi ni Michelle na sumali muna ng mga beauty contest ay dahil ayaw niya magsuot ng swimsuit na isa sa mga requirements sa mga beauty contest. “I’m not comfortable,” pag-amin niya sa mga press people na nagi-interbyu sa kanya.
 
“But I’m not closing my doors for the possibility of joining. But not in the near future siguro,” sabi ng dalaga.
 
In the next two years siguro at mawala ang kaba niya, “she might join” Binibining Pilipinas na ayon sa pahayag niya ay never pa siya nag-suot ng swimsuit kahit sa outing niya sa beach. “I’m not yet that confident,” pag-amin niya.
 
Beauty queen material si Michelle. Slim, matangkad, magaling sa Q and A at higit sa lahat ay beautiful.
 

The Cast of The Debutantes Jane de Leon, Michelle Vito, Sue Ramirez, Miles Ocampo and Chanel Morales

 
Kung rampahan lang naman, hindi uurungan ni Michelle ang gagawin niya sa pa-kontest. “Yong pagsuot lang talaga ng bathing suit ang concern ko,” pahayag ng dalaga kung saan kabilang siya sa limang mga “It Girls” ng Star Magic ng Kapamilya Network na kabilang sa bagong suspense-horror movie na dinirek ni Prime Cruz na ipapalabas na sa October 4 sa mga sinehan nationwide.
 
Sa pelikulang The Debutantes, makakasama niya ang apat pa na mga beauties ng “It Girls” na sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Miles Ocampo at Chanel Morales.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.