Beauty Gonzales at Enzo Pineda, bibida sa kauna-unahang horror film ng BG Productions

HIPNOTISMO stars Enzo Pineda and Beauty Gonzales with the production crew of Hipnotismo

PATULOY sa paghataw ang BG Productions International ni Ms. Baby Go. Katatapos lang ng produksyon ng pelikulang Latay na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe mula sa direksyon ni Ralston Jover at ngayong December, uumpisahan naman ang syuting ng kanilang kauna-unahang horror film.

Pagbibidahan nina Beauty Gonzales at Enzo Pineda ang horror flick na may working title na Hipnotismo. Si Joey Romero ang magdidirek ng pelikula at kukunan ito sa Dumaguete.

 Makakasama nina Beauty at Enzo sa pelikula sina Ariella Arida, JB Saliva at iba-iba pang BG talents.

Ang Hipnotismo ay kuwento ng isang newly wed couple (Enzo and Beauty) na nag-honeymoon sa Dumaguete. Sa pagtira nila sa lumang bahay ay dadaan sila sa mga nakakakilabot na karanasan na halos muntik na nilang ikapahamak.

Trivia lang, si Direk Joey ay anak ng batikang national artist for film na si Eddie Roero. Siya ang nagdirek ng horror film na Vampira na pinagbibidahan ni Diamond Star Maricel Soriano. Co-writer ni Direk Joey sa Hipnotismo ang award-winning screenwriter na si Eric Ramos who also wrote the script of Rainbow’s Sunset.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin sa pagpoprodyus ng pelikula si Ms. Baby Go kahit ang hirap na ng ROI o return of investment sa film industry.

“Passion ko  na kasi talaga ang pagpoprodyus ng pelikula. Hindi mawawala sa sistema ko ang paggawa ng pelikula. Masaya ako na for the first time ay magpo-produce ako ng horror movie at sa hometown ko pa sa Dumaguete kukunan,” sambit ng lady producer.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.