Blind Item: Beauty expert, ‘di na visible sa TV dahil naagnas ang mukha?!

BLIND ITEM: TOTOO ba ‘to? Hindi na raw nagpapakita sa TV ang isang beauty expert samantalang nu’ng araw, ‘pag me nag-imbita lang ng guesting sa kanya, hindi na siya nagdadalawang-isip pang mag-go?

Kinuha pa ngang commercial model ng isang astringent ang naturang beauty expert, pero ba’t ngayon, parang nami-miss natin siya sa telebisyon?

Ba’t ‘yung kasama lang niya sa trabaho ang nakikita nating nagge-guest sa TV? Ano ba’ng nangyari ke Beauty Expert?

Well, ayon sa isang source, sinasadya na raw ng beauty expert na mag-work behind the camera, dahil hindi raw makatutulong sa kanilang negosyo kung siya’y magpapakita sa TV. “Baka lalong walang magpunta sa kanilang clinic, ‘Day!”

Gano’n ba? Baket, ano ba’ng nangyari?

“Eh, kaka-experiment niya ng kung anu-anong procedure sa mukha, pumangit na siya. Hindi mo siya makikilala ngayon, dahil parang naaagnas na ang mukha niya. Tapos, OA ang cheekbone niya ngayon, parang may abs siya sa mukha!”

Gano’n ba? Kawawa naman kung totoo. Sana, hindi true, ‘no?

by Ogie Diaz

Related Post

loading...

5 thoughts on “Blind Item: Beauty expert, ‘di na visible sa TV dahil naagnas ang mukha?!

  1. PIE CALAYAN yan. As in super umalsa yun mukha nya. Ang ganda ganda pa naman nya noon =(, ang dami nyang commercials, hindi lang astringent. Yan ang lesson, makuntento na sa bigay ng Diyos, lalo pa’t kung maganda na. Baka sa sobrang pagpapaganda eh kapangitan ang ibunga.

    =( Wish her the best. Walang imposible sa Diyos. He’s still more than Science.

Leave a Reply

Your email address will not be published.