Bea, halatang nagpatabas ng taba?!

HANGGANG ngayon pala, kung si Jinkee Pacquiao ang tatanungin, ayaw pa rin nitong pumalaot sa mundo ng pulitika ang Pambansang Kamao. Ang katUwiran ni Jinkee, masyado raw kasing magulo ang larangang gustong pasukin ng kanyang asawa, laganap ang patayan.

Pero meron ba naman itong magagawa kung talagang nasa puso na ngayon ni Manny Pacquiao ang pagtakbo sa darating na eleksiyon? Sa ayaw at sa gusto ni Jinkee, nakaplantilya na ang paglahok ni Pacman sa darating na halalan. gusto niyang maging kinatawan siya ng mga taga-Saranggani.

Kahit naman nu’ng unang kumandidato si Manny, walang nagawa si Jinkee. kumokontra ito nu’ng una, pero nu’ng panahon na ng kampanya, sinuportahan na rin ni misis ang kanyang mister.

Napakarami nang nagpayo kay Manny na huwag nang makihalo pa sa mundo ng pulitika, pero lahat ng nagpayo sa kanya ay nangabigo. Talagang gusto pa ring kumandidato ni Manny.

Pinaghandaan na niya ang pagtakbo. Sa kabila ng kanyang mga sinusuong na pakikipagsalpukan sa kung sinu-sinong kampeong boksingerong tulad niya, isinisingit niya ang pag-aaral. Alam ni Pacman na napakalaking puhunan sa pagsungkit ng pangarap-pampulitika ang edukasyon.

Pero mukhang ngayon pa lang, sinusubok na ng panahon ang kanyang katatagan. Nagkaroon ng bombing kamakailan sa Saranggani, may ilang namatay nang dahil sa bombahan sa isang mataong lugar.

Siguradong napailing na lang si Pacman nang makarating sa kanya ang balita. Hindi pa man, parang binibigyan na siya ng babala na isang magulong baluwarte ang gusto niyang pagserbisyuhan bilang congressman.

Sa pakikipag-usap namin kamakailan sa isang source na malapit sa kampeong boksingero, nalaman namin na wala nang makahaharang pa sa kanyang planong kumandidato.

“All set na si Manny, wala nang makapipigil pa sa kanya, talagang hindi siya papayag na hindi kumandidato sa 2010. Sincere naman siya sa kanyang layuning makatulong, gusto niyang paglingkuran ang mga kababayan niya, ibigay na sana ‘yun sa kanya ng mga kumokontra,” pahayag ng aming impormante.

Sabi nga ni Pacman sa isang panayam, “You know, I want to serve my kababayan, you know. Kung anuman ang kaya kong gawin, you know, ibibigay ko sa kanila, you know.”

WALANG MAY GUSTONG maniwala na natural na paraan ang naging dahilan ng biglang pagpayat ni Bea Alonzo. Hindi raw totoong pagda-diet lang ang dahilan ng lahat. Siguradong produkto raw ng heringgilya ang kanyang kapayatan ngayon, ibig sabihi’y marami siyang pinatapyas-pinalaplap sa taba-taba sa kanyang katawan.

“Kung lalapitan mo siyang mabuti, ‘yung tutok na tutok, makikita mo ang bakas ng liposuction sa katawan ni Bea. Sa braso na lang niya, meron nang parang pinagtusukan ng panghigop ng taba-taba niya, kita pa rin ang mga alaala ng nakaraan,” kuwento pa ng isang source.

Malaki raw kasi ang bulto ng katawan ni Bea, hindi raw ‘yun makukuha sa basta pagda-diet at ehersisyo lang. Sigurado raw na palihim na dumadalaw sa isang klinika si Bea para ipatanggal ang mga bahaging sobra-sobra sa kanyang ideyal na pangangatawan.

Kliyente ng Belo Medical Group si Bea Alonzo, matagal na siyang nagpupunta sa klinika ng kontrobersiyal na si Dra. Vicki Belo. Nu’ng una siyang pumayat, meron nang kuwentong kumalat na matinding pagpapa-liposuction ang kanyang pinagdaanang proseso.

Anuman ang naging dahilan nu’n, ang mahalaga ay nakuha ni Bea ang timbang na matagal na niyang pinapangarap, napakaganda niyang tingnan sa payat niyang pangangatawan ngayon.

Mas lumutang pa ang kagandahan ng dalaga, nagmukha siyang beauty queen kahit wala pa siyang titulo. Bagay na bagay kay Bea ang kanyang kapayatan.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

One thought on “Bea, halatang nagpatabas ng taba?!

  1. at least si bea maganda kahit nung mataba pa sya? eh ikaw? pa lipo mo kaya lahat ng parte ng katawan mo? at saka pwede ipatahi mo rin yang bibig mo kasi masyadong mabaho ang mga words na lumalabas dyan, puro panlalait or paninira! as if u’re close to perfection! duh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.