Bea Binene, umatras sa ‘kamison’

Bea-BineneANG PAGSUSUOT ng “kamison” sa bagong serye ng GMA 7 na Paraiso Ko’y Ikaw ang tila naging dahilan kaya umatras si Bea Binene at napunta naman ngayon kay Kim Rodriquez na walang pakialam kesehodang mabasa pa raw ang kamison kung kailangan sa istorya.

Naalala tuloy namin ang “magic kamison” na ipinasusuot ni Mother Lily Monterverde sa Regal babies niya na binibigyan ng bagong pelikula at lahat ng nagsuot nito sa pelikula ay kumita sa takilya.

Tila hiniram yata ng GMA 7 kay Mother Lily ang nasabing kamison na tinanggihan daw ni Bea at buong puso namang tinanggap ni Kim na isuot para sa bagong drama series.

Matapang na sinabi ni Kim na okey lang daw sa kanya na magsuot ng kamison kahit mabasa pa, kung ‘yun daw ang kailangan sa istorya.

Aniya, “Opo, naka-kamison po talaga. Kasi laking isla po ako rito, kami ni Kristoffer (Martin). Kaya lang po nagsasawa na kami sa isla, tatakas kami para makapunta ng bayan. Kaso may mangyayaring aksidente.

“Naka-kamison lang po ako rito. Sinabihan naman po ako na more skin, then may kissing scene at wet look. Wow wet looks! Hahaha!”

Wala nga problema kay Kim ang magpaseksi at magpakita ng skin dahil nasa tamang edad na raw siya. Katunayan bilang preparasyon sa gagawin niyang drama series, nag-jogging at swimming at diet na rin raw siya para maging mas seksi pa raw ang dating niya.

Ka-love triangle nina Kim at Kristoffer sa serye ang ex-girlfriend ng huli na si Joyce Ching.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Bea Binene, umatras sa ‘kamison’

Leave a Reply

Your email address will not be published.