Bea Binene: The Starstruck Kid is Now a Lady!

SA UNANG sabak ng Starstruck Kids unang napansin ng mga Kapuso viewers si Bea Binene. Matatandaan na sa batch nila, siya ang pinakadesididong manalo. Halos lahat ng challenges na iginawad sa mga bagets ay nagawa niya nang mabuti. Siya ang pinakamatangkad among the girls at hindi rin naman siya nagpatalo kung talent and charm din lang ang pag-uusapan.

Hindi man siya ang nanalo ng Ultimate Female Survivor ng Starstruck Kids, binigyan pa rin siya ng proyekto ng GMA-7. Ang pinakatumatak sa akin ay ang pagpasok niya sa dating Saturday morning show na Lovely Day, kung saan kasama niya sina Love Anover, Christian Esteban at kapwa Starstruck kid na si Gab.

Pansamantala munang nilisan ni Bea ang showbiz at bumalik ito sa eksena bilang isa sa cast members ng First Time. Dahil dalaga na siya ngayon, binigyan siya ng break bilang isang teen star sa Tween Hearts. Regular na rin itong nagpe-perform sa Party Pilipinas at lumabas na rin sa mga programa tulad ng Ilumina, Captain Barbell 2011 at Pahiram ng Isang Ina.

Sa Pebrero ay isa nang certified lead actress ang dating Starstruck Kid. Si Bea Binene ang bida sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis. Ito ang isa sa bagong panghapong programa ng Kapuso Network, kung saan kasama niya sina Lexi Fernandez, Derrick Monasterio at ang on-screen loveteam niya na si Jake Vargas. Mag-uumpisa na ito sa February 6.

The Starstruck Kid is now a lady. Will we see her bloom into an award-winning teleserye star?

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com.

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.