Bea Binene, sasabak na sa hubaran

Bea-BineneMEDYO DARING ang naging suot ni Bea Binene nang dumating sa grand presson ng Liwanag sa Dilim with Jake Vargas, Sarah Labhati, atbp. under APT Entertainment.

Na-conscious nga si Bea sa suot na jumpsuit outfit, bukod kasi sa plunging ang neckline nito na may cut-out pa sa likod na tumambad tuloy ang seksing likod at cleavage.

Lalong na-couscious siya nang pansinin siya ng ilang press, kaya panay hatak niyang paitaas sa sout na damit para matakpan ang dibdib.

“Hindi po ako sanay na may nakapapansin sa cleavage ko. Nahihiya po ako,” nakangiting say ni Bea.

“Hindi ko naman po sinadyang isuot ito dahil sexy. Okey naman siya at hindi ko napansin na makikita ang cleavage ko. Noong may mga pumansin na, doon na ako na-conscious. Nahihiya po ako, promise.”

Ayon pa kay Bea, nahihiya siya talagang magsuot ng seksing damit dahil magde-debut pa lang siya sa November. Pagkatapos pa lang daw niyang mag-debut saka lang siya papayagang magsuot ng mga sexy outfit.

Samantalang hindi naman itinanggi ni Bea na may nagtatangka pa rin raw na pormahan siya kahit boyfriend na nito si Jake Vargas. At para matigil na raw ang manliligaw ay kaagad niya itong binabara.

“Mayroon po talaga. Pero siyempre hindi ko na sila pinaaasa. Alam naman po kasi nila ang stand ko, kaya ‘yun ang pinagdidiinan ko sa kanila. I mean, respeto na lang sa relasyon namin ni Jake,” pagtatapat pa ni Bea.

Inamin din ni Bea na selos ang madalas ng tampuhan nila ni Jake kaya on and off ang relasyon nila. Pero never daw na umabot sa puntong nanugod siya ng babae. Hinding-hindi raw mangyayaring manunugod siya ng babae dahil sa selos.

Kaya lang nang tanungin namin sina Bea at Jake, kung kailan nila ise-celebrate ang kanilang 3rd year anniversary relationship, ang naging sagot kasi ni Jake ay January, samantalang si Bea naman ay February raw nang maging sila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

One thought on “Bea Binene, sasabak na sa hubaran

Leave a Reply

Your email address will not be published.