Bea Binene, naging instant TV producer sa kawalan ng regular teleserye

Bea-BineneMARAMI ANG nagsasabing dahil sa kawalan ng regular teleserye ay nag-produce na lang ng sariling TV show ang versatile teen actress na si Bea Binene, at ito ang lifestyle magazine show na Legally B, na nagsimula nang umere last Sept. 26 ng 11:30 am.

Pero mariin naman itong pinabulaanan ni Bea. “Hindi naman po sa ganu’n, bale ‘yung show na ito ay idea ni Mommy (Carina). Siya ‘yung may gusto na magkaroon ako ng show. Eh, kaya naman at okey naman ‘yung concept, kaya nag go na rin ako.

“May mga shows pa rin naman ako like Vampire Ang Daddy Ko at Good News sa GMA NewsTV. ‘Yun nga lang, almost 9 months na yata akong walang soap. Pero at least, may regular shows pa rin ako.”

Pagbibida nga ni Bea na mapanonood sa Legally B ang preparation ng bonggang-bonggang debut ni Bea hanggang sa actual debut nito sa Nobyembre.

Ipakikita rin dito ang mga travels ni Bea sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maging ang mga pinagkakaabalan nito sa pang-araw-araw at kulitan with her friends ay mapanonood dito.

Tatakbo raw ng one season ang Legally B, pero kapag naging maganda raw ang resulta nito ay magkakaroon ito ng second season.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 118 September 28 – 29, 2015
Next articleBianca Umali at Miguel Tanfelix, mas seryoso na sa bagong serye

No posts to display