Bea Binene, nag-enjoy sa pagiging barker

Bea Binene, nag-enjoy sa pagiging barker

Bea Binene

Walang kiyeme at sinubukan talaga ng teen actress na si Bea Binene ang pagiging barker o taga-tawag ng mga pasahero sa isang jeepney terminal bilang paghahanda sa bago nilang show ni Derrick Monasterio.
Tsika nga ni Bea sa isang interview, “Hindi naman siya ganu’n kahirap, sakto lang. Na-enjoy ko, kasi bago naman sa akin ito.”
Dagdag pa ni Bea, “Nu’ng una, nakita namin sina kuyang barker, kaya tinanong namin kung every kailan sila du’n at kung paano nila pino-pronounce ang mga lugar.”
Kaya raw sinubukan ni Bea ang pagiging barker para mas maging makatotohan ang kanyang pagganap sa gagawing serye bilang taga-tawag ng pasahero.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.