Bea Binene, masaya sa pagkakasama sa “Enteng Kabisote 10”

Bea Binene

Bea Binene

Masaya ang Kapuso star na si Bea Binene dahil kasama siya sa part 10 ng “Enteng Kabisote” na pinagbibidahan ni Vic Sotto na pang-Metro Manila Film Festival 2016.
Bukod nga kay Bossing, makasasama rin dito ang JoWaPao trio nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na kababalik lang sa Eat Bulaga. Ka-join din dito si Ken Chan, atbp.
Isa nga raw sa nagpa-excite kay Bea ay ang pagiging entry nito sa taunang MMFF. Iba nga naman daw kasi kapag kasali ka sa isang pelikula na pang-filmfest, dahil bukod sa may parada, puro Filipino movies ang napanonood sa festival na ito sa panahon ng Kapaskuhan.
At kahit nga matagal nang nagtapos ang pinagbidahang teleserye ni Bea, may isa pa itong regular show, ang “Good News” sa NewsTV, kung saan nahahasa ang husay niya sa pagiging host, bukod pa sa nagkakaroon siya ng pagkakataong makapag-travel sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at maging sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanyang segment.
Waiting nga lang daw si Bea sa kung anong proyekto ang ibibigay sa kanya ng kanyang home studio.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.