Bea Binene, mas gusto sanang mag-travel abroad kaysa magkaroon ng engrandeng debut

Bea-Binene

NGAYON PA lang, grabe na ang paghahandang ginagawa para sa bonggang debut ng Kapuso teen na si Bea Binene na magaganap sa Nobyembre.
Sa ngayon daw, inaayos na ang line up ng mga makasasama sa 18 Roses at 18 Candles ni Bea mula sa kanyang mga kabigang actors hangang sa kanyang mga non-showbiz friends.
Ayon nga sa mabait na mommy nito na si Tita Carina, “Minsan lang naman magde-debut ang isang babae, kaya naman dapat maganda, dapat memorable, ‘yan ang gusto ko sa debut ni Bea.”
Ayaw na raw sana ni Bea ng engrandeng debut at mas gusto na lang ang mag-travel abroad sa kanyang kaarawan. Kaya lang daw ay ito ang gusto ng mga malalapit na tao sa kanya.
Kung sa bagay, minsan nga lang naman sa buhay ng isang babae ang magde-debut. Bakit nga naman hindi pa maging engrande kung puwede naman?

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleYassi Pressman, certified singer na
Next articleVice Ganda, humakot ng awards sa Eduk Circle

No posts to display