Bea Binene, left behind by Tween Hearts co-stars?!

DEADMA NA LANG daw ang isa sa busiest young star ng GMA-7 na si Bea Binene sa mga intrigang ipinupukol sa kanya kaugnay sa hindi nito pagkakaroon ng sariling shows katulad ng kanyang ka co-tweenstar na sina Louise Delos Reyes at ng ‘negastar’ na si Barbie Forteza.

Kuwento ni Bea, happy na raw siya for having three regular shows (Captain Barbell, Tween Hearts at isang GMA Pinoy TV show ). Alam na man daw nitong darating din ang tamang oras para sa kanya, kaya naman walang puwang sa puso niya ang inggit. Hindi naman daw siya pinababayaan ng GMA-7 at binibigyan siya ng magagandang projects.

At kung mabibigyan daw siya ng GMA-7 ng solo show, mas gusto nitong may temang action dahil gusto raw nitong magamit ang kanyang expertise sa Wu Shu, kung saan balitang ngayong May ay lalaban ito sa ibang bansa.

NAKAHINGA NA NANG maluwag ang isa sa young actor na may pinakamagandang rehistro ng mukha sa telebisyon na si Kristoffer Martin dahil sa wakas daw ay natuloy na siya sa kanyang 2nd show sa GMA-7 via Munting Heredera, na mapapanood na sa May 9 sa primetime ng Kapuso Network.

Tiska nga ni Kristoffer, noong una ay medyo kabado pa siya na baka hindi na naman matuloy ang kanyang new show dahil dalawang beses na siyang nawala sa show ng Kapuso Network. Ang una ay nang ipatanggal siya ng dalawang young stars sa Nita Negrita, at ang pangalawa ay ang Amaya, dahil ilalagay nga raw siya sa Munting Heredera, kasama ang kanyang ka-loveteam na si Joyce Ching.

At least ngayon daw ay tuloy na tuloy na siya sa pinakabago at inaabangang primetime soap ng GMA-7, kung saan makakasama niya sina Camille Prats, Katrina Halili, Mark Anthony Fernandez, Roderick Paulate, Joyce Ching at ang tatlong baguhang childstars na sina Mona Louis Rey, Kyle Daniele Ocampo at Barbara Miguel, directed by Maryo J. de los Reyes.

HINDI RAW MAIPALIWANAG ng magaling na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez ang excitement na kanyang naramdaman nang mamasyal sa White House sa Amerika. Tsika nga ng award-winning actress, sobrang dami ng taong pumupunta para makita ang White House.

Bukod sa White House, papasyalan din daw ni Ms. Sylvia ang iba pang magagandang lugar sa Amerika kasama ng kanyang Pamilya. Dagdag pa ng aming paboritong aktres, ang trip nilang ito sa USA ang masasabi nitong sobrang saya.

THANKFUL DAW SA Diyos ang SexBomb Girls dahil na rin sa maraming blessings na dumarating sa kanila. Sunud-sunod kasi ang dating ng trabaho ng mga ito kung saan every Sunday ay napapanood sila sa Party Pilipinas at malimit din ang paggi-guest nila sa Happy Yipee Yehey.

Habang ang iba sa kanila ay may mga solo guestings sa iba’t ibang TV Networks like sa Midnight DJ, Maynila, Banana Split, etc. Habang ang isa sa miyembro ng SexBomb na si Mia ay mapapanood sa inaabangan at malaking epic-serye ng GMA-7, ang Amaya, na pinagbibidahan ni Marian Rivera. At ongoing ang kanilang summer workshops ng acting at dancing.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

One thought on “Bea Binene, left behind by Tween Hearts co-stars?!

  1. tangina mo john PUTAnilla. wag mong cnasabihan si barbie ng Nega ah! baka ikaw ang nega.. ulol.. kaya nadadamay ung alaga mo na c kristofer dhil s ugali mo e

Leave a Reply

Your email address will not be published.