BEA BINENE, INSECURE KAY LOUISE DELOS REYES

HAPPY daw ang young star at isa sa pambato ng Tweenhearts na si Bea Binene sa magandang itinatakbo ng ratings ng Alakdana na pinagbibidahan ng kanilang ka-Tweens na si Louise delos Reyes na biglang naging instant prime artist ng Kapuso network. Tsika pa ni Bea, mali raw ang bali-balitang naiinggit sila sa tagumpay na tinatamasa ng show ni Louise.

“Sobrang happy po kami ka’y Louise, kasi maganda ang ratings ng Alakdana. Lahat kaming ka-Tweens niya sumusuporta sa kanya, kaya hindi totoo ‘yung naiinggit kami sa kanya. Lahat naman kami may kanya-kanyang show like si Derek (Monasterio) nasa Dwarfina at top rater din ‘yung show nila, sina Barbie (Forteza), Lexi (Fernandez) at Joshua (Dionisio), may  Nita  Negrita,  si Kristoffer (Martin) kahit nawala siya sa Nita Negrita, may kapalit naman na show, ‘yung Amaya ni Marian Rivera.

“Kami ni Jake (Vargas) nasa Captain Barbell. Kaya bakit naman kami maiinggit kay Louise? Sa amin kasi, nagsusuportahan kami kapag may bagong show ‘yung ka-Tweens namin. Lahat kasi kami magkakaibigan,” pahayag ni Bea.

HANGGANG ngayon daw ay clueless ang young actor na si John Miguel kung sino sa kanyang co-stars sa Tweenhearts ang nagpatanggal sa kanya sa show? Ito daw kasi ang nakarating sa kanyang balita kung bakit namaalam ang kanyang character sa no. 1 youth-oriented show sa bansa. Pero happy na rin daw siya dahil kasama siya sa Boracay taping ng Tweenhearts.

“Hindi ko alam, sabi-sabi sa taping na may members daw ng cast ang nagpatanggal sa akin sa show, pero mahirap namang magbintang kung sino, kasi wala naman akong pruweba.

“May sinasabi silang pangalan kung sino ‘yung nagpatanggal sa akin, pero sabi ko nga, wala akong ebidensiya at mababait naman sila sa akin. Kaya ayo-kong magsabi ng names dahil hindi talaga ako sure kung sila nga talaga ang dahilan ng pagkawala ko sa show.

“Basta very thankful ako ngayon sa bumubuo ng Tweenhearts lalong-lalo na kay Ms. Mona, kasi binalik nila ako sa show, kaya ayokong isipin kung sino ‘yung mga taong nagpatanggal sa akin sa show. Sabi ko nga sa sarili ko, yehey, may trabaho na naman ako, gustong-gusto ko kasing may trabaho. Bukod sa gusto ko talagang maging part ng Tweenhearts”

ISA sa inaabangan, tinututukan, at click na click na loveteam sa Tweenhearts ang tambalang Joyce Ching at Kristoffer Martin. At dahil sa nasabing tambalan, bali-balitang nauwi na raw ito sa totohanan, na mariin namang pinabulaanan ni Kristoffer nang makausap namin sa GMA-7.

Ayon kay Kristoffer, close lang daw sila ni  Joyce  dahil mara-ming bagay daw silang pinagkakasunduan, kaya raw siguro nag-click sila sa isa’t isa sa mga manonood. Pero aminado naman daw itong espesyal para sa kanya ang tsinitang young star.

“Hindi po totoo na kami na ni Joyce, masyadong bata pa po kami para sa mga bagay na ‘yan. Nagkataon lang talaga na maraming bagay na napagkakasunduan at gusto namin ni Joyce, kaya siguro nag-click ‘yung loveteam namin.

“Alam naman kasi namin ni Joyce kung ano ‘yung priority namin, studies at career. Mahirap kasing pagsabayin ‘yung pag-aaral, graduating ako,  at career ko sa showbiz. Doon palang medyo hirap na ako. Tapos papasukan ko pa ng lovelife? Baka madiskaril na ‘yung pag- aaral o kaya naman yung pag- aartista ko. Purely friendship lang po talaga ‘yung pinagsasamahan naming dalawa at wala ng mas malalim pa doon.”

Kung hindi kayo, bakit meron kayong magkaparehong relo?

“Hahaha! ‘Yun ba? Regalo niya sa akin ‘yun, friendship watch. Regalo niya sa akin ‘yun nu’ng Christmas!” pag-amin ni Kristoffer.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

One thought on “BEA BINENE, INSECURE KAY LOUISE DELOS REYES

  1. Pingback: Tweets that mention BEA BINENE, INSECURE KAY LOUISE DELOS REYES | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.