Bea Binene, idine-deny na tinanggihan niya ang teleserye

Bea-BineneAYAW AMININ ni Bea Binene na tinanggihan niya ang seryeng Paraiso Ko’y Ikaw na dapat ay pagtatambalan nila ni Kristoffer Martin sa GMA 7. Hindi umano totoo na ayaw niyang makasama ang young actor.

Pero hindi masabi ni Bea kung ano talaga ang mismong dahilan kung bakit umayaw siya na maging kapareha ni Kristoffer. Ang paulit-ulit lang niyang binabanggit kapag nauusisa tungkol dito, nag-give way lang daw siya.

Hindi rin niya matumbok kung anong ibig niyang sabihin sa… nag-give way siya. Kung… nag-give way ba siya para kay Kim Rodriguez na siyang napiling pumali sa kanya?

Masasabing blessing in disguise na rin na tinanggihan ni Bea ang nasabing proyekto. Dahil mukhang mas may chemistry naman sina Kristoffer at Kim bilang magkapareha.

Sa totoo lang!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.