Bea Binene, dinenay ang pagsugod at pagtalak ni Maritoni Fernandez sa nanay niya

Mariing pinabulaanan ng Tween Hearts regular cast na si Bea Binene ang balitang sinugod ng batikang aktres at ina ng co-tween star nitong si Lexi Fernandez na si Ms. Maritoni Fernandez ang kanyang inang si Mrs. Karina Binene sa set  mismo  ng  taping ng kanilang Sunday teen drama show.

Tsika ni Bea, wala raw sugurang naganap at mas lalong walang sigawan at talakang naganap between Ms. Maritoni at ng kanyang Mommy, dahil mahinahon daw na nag-usap ang dalawa kaugnay sa mga tsismis na naglabasan na wala namang katotohanan patungkol sa kanila ni Lexi.

Dagdag pa ni Bea, ang totoo raw dahilan ng pagbisita ni Maritoni sa taping ng Tween Hearts ay dahil sinorpresa nito ang kanyang anak na si Lexi, at sa mismong taping nila nag-celebrate ng birthday.

Magkaibigan daw sila ni Lexi at laging nagtu-tweet sa isa’t isa. Kaya naman daw papaanong mangyayari na mag-aaway sila? May mga tao lang daw na gumagawa ng isyu para mag-away sila ni Lexi, at pati magulang nila ay idinada-may. Pero sorry na lang daw sa umiintriga sa kanila dahil magkaibigan daw sila ni Lexi at ng iba pang cast ng Tweenhearts. ‘Yun na!

EXCITED NA ANG isa sa pinakamaningning na young actor sa bakuran ng GMA-7 at regular na napapanood sa Bantatay at Party Pilipinas na si Elmo Magalona sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang Mrs. Recto, na pinagbibidahan ni Ms. Regine Velasquez at mula sa direksiyon ni Dante Nico Garcia.

Ayon kay Elmo, gusto na nga raw matapos nito ang nasabing indie film para makita na niya ang kanyang sarili sa big screen. Very thankful daw ito sa mga tao sa likod ng nasabing pelikula dahil isinama siya sa Mrs. Recto.

Wish nga raw nito na after ng Mrs. Recto, masundan pa ito ng isang mainstream movie na may temang drama o drama-comedy o musical, dahil ‘yun daw ang kanyang forte. Okey lang daw kay Elmo kahit sinong young star ang  ipareha sa kanya, dahil ayaw raw nito na mamili ng makakatrabaho. Mas gusto raw niyang kahit sino ay makatrabaho niya.

ISANG BIG CONCERT ang nakatakdang maganap sa Feb. 19, ang dance-concert na “Sayaw Buwis Buhay, Passionista” ng  SexBomb Girls na pangungunahan nina Rochelle Pangilinan, Izzy Trazona, Weng Ibarra, Monic Icaban at ng buong SexBomb Girls na magaganap sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

Magsisilbing espesyal na panauhin ng SexBomb ang super na hataw na hataw na bagets na si Julian Trono na makikipag-showdown sa SexBomb. Kaya naman kung gusto ninyong makipaghatawan at makipag-showdown sa SexBomb, go na kayo.

SPEAKING OF SEXBOMB, mukhang totoo ang balitang lilipat na ang mga ito sa TV5, lalo’t  napanood   na ang kani-lang manager na si Joy Cancio sa Willing Willie. Ito na kaya ang hudyat na any day from now ay sa Singko na mapapanood ang SB?

Well kung ilang beses na rin naman naming napanood ang ilang miyembro ng SexBomb na umaarte at naggi-guest sa mga shows ng TV5, at kahit ang ibang mga contract artist ng Focus E na pag-aari ni Ms. Joy ay palagi na ring naggi-guest sa mga shows ng Kapatid Network.

Kung sa bagay, tama lang siguro na lumipat na ang mga alaga ni Ms. Joy sa TV5, kasama ang SexBomb, lalo na’t  wala pa rin namang shows ang mga ito sa GMA-7. After kasi ng matagumpay nilang show na Danz Showdown, hindi na ulit ito nasundan pa. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Bea Binene, dinenay ang pagsugod at pagtalak ni Maritoni Fernandez sa nanay niya

Leave a Reply

Your email address will not be published.