Bea Binene, ‘di type ligawan ni Jake Vargas?

HINDI NA mapigilan ang pagsikat ni Bea Binene. Tuluy-tuloy ang magagandang project na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Nag-click sa mga fans ang loveteam nila ni Jake Vargas kaya’t hindi na sila pinaghiwalay ng Kapuso Network. Masasabing first major solo lead star si Bea sa heartwarming series na Alice Bungisngis with Jake and Derrick Monasterio as her leadingmen.

“Proud kami sa sarili namin dahil hanggang ngayon hindi kami pinaghihiwalay so, masaya. Hindi kami nawawalan ng project at palaging nakasuporta ang GMA-7 sa lahat ng ginagawa namin ni Bea,”say ni Jake.

Inamin ni Bea na hirap siya sa nasabing magical adventure. It’s a big challenge on her part to play good teenage witch. “Mahirap kasi, kapag sabunutan ang eksena hindi ko ma-feel ang sabunutan kasi nga makapal ang wig na ginamit ko dito. Ang hirap humugot ng emotion. Kapag break, hindi ako makatulog, nakikiliti ako sa buhok ko. Dito, tatawa ka ngayon, tapos iiyak ka sa susunod na scene,” kuwento ng dalaga.

Happy si Bea sa loveteam nila ni Jake dahil bini-build-up talaga sila ng Kapuso Network. “Ang daming show na rin naman ang pinagsamahan namin ni Jake. Kami pa rin ang pinagti-team-up ng GMA, hindi sila nagsasawa sa amin pati na rin ‘yung mga fans so, nagpapasalamat kami sa pa-tuloy nilang pag-suporta sa amin.”

Hindi ipinagkaila ni Bea, may nararamdaman siyang pressure sa bago niyang show dahil kaila-ngang pumalo ito sa rating.  “Hindi naman po mawawala ‘yung pressure, nerbiyos. Hindi ‘yung sa aming dalawa ni Barbie (Forteza) kasi, ito ‘yung nasa main cast kami ni Jake. Kinakabahan kami, papa’no kung hindi magustuhan ng viewers? Pero I’m sure na magugustuhan nila, kasi maganda,” wika niya.

Hindi maiiwasang i-compare sa isa’t isa sina Jake at Derrick, reaction ni Bea?“ Magkaibang-magkaiba silang dalawa. ‘Yung mga fans, may kanya-kanya silang gusto,” aniya.

Sa pagkakakilala ng dalaga sa mga ito. Nakita agad niya ang kaibahan ng dalawa sa isa’t isa. “Maingay si Derrick at tahimik si Jake. Ang maganda kay Jake, wala siyang yabang sa sarili niya. Kung ano ang gusto niyang i-express, kunwari, wala siya sa mood, hindi siya magpa-plastic. Hindi siya plastic, totoong tao siya. Marami na rin kaming napagsamahang shows since ‘First Time’,” papuring sabi ni Bea sa kanyang ka- loveteam.

Ilang percent ang pagkatao ni Bea sa character na ginagampanan niya bilang si Alice? “Siguro forty percent, kasi bungisngis siya. Masayahin siyang tao, mapagmahal, ‘yun.”

Hindi napigilan ni Bea ang maiyak nang banggitin namin  ang Daddy niya. Kumusta na kayo ng daddy mo? Knows na kaya niya na may bago kang show? Nagkita na kaya uli sila after her birthday? “Next question please… I’m sure alam niya ang nangyayari sa akin dahil nanonood siya ng TV. Hindi ko na iniisip ‘yun. Sobrang dami ng blessing ang dumarating sa akin to smile. I’m very blessed po, ‘yun,” naiiyak na sabi ni Bea.

Hindi ba apektado si Bea sa napapabalitang maraming girls itong si Derrick? “Kung saan siya masaya, suportahan ko siya. Kahit silang dalawa ni Jake, all support ako sa kanila. Basta kami, we’re doing this for the fans. Personal life, I don’t have the right para makialam sa personal nilang buhay.”

Karamihan sa loveteam ay nauuwi sa relasyon. Sa kaso nina Bea at Jake, may possibility bang mauwi to something beautiful ang loveteam ninyo ni Bea? “Hindi po, trabaho lang ‘yung sa amin ni Bea,” mabilis na sagot ng binata na wala yatang intensiyon na ligawan ang kanyang leading lady. Ganu’n?

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

9 thoughts on “Bea Binene, ‘di type ligawan ni Jake Vargas?

  1. @Krissy – toomoohh! mggng Jolinabells ang drama nla barbie at bea sa huli. d alam kung an0ng ggwn nla hahahaha ang ending kkanta cla ng “La Ocean Deep” 

  2. mas matanda o mas bata man, magkalevel pa rin sila ng fanbase ateng! ang pagkakaiba lang, sina kathryn at julia unti unti nang kumakawala from tweetum roles to mature serious roles eh sina barbie at bea? forever tweetums na lang ata.

  3. Mas bata sila ke Kathyn at Julia. Patok sila sa mga kaedad nila. Ibang generation ang mga fans nila, iba rin naman sa mga fans ni kathyn at Julia. Fair competition.

  4. another non sense low quality show of gma7. KAILAN BA MATUTUTO ANG GMA7? dapat hindi sila gumagawa ng walang kwentang show. dapat mga teleseryes talaga. MY GOSH!