Bea Binene, ‘di na pinapansin ang “bukol” ni Derrick Monasterio

Bea Binene and Derrick Monasterio

Bea Binene and Derrick Monasterio

Derrick Monasterio as Tsuperhero

Derrick Monasterio as Tsuperhero

Noong una, naaasiwa raw itong si Bea Binene kapag tinitingnan niya ang “Tsuperhero” costume ng ka-partner niyang si Derrick Monasterio.

Kasi naman, ang binata na bukod sa super sexy hunk ay natsi-tsismis na well-endowed daw na maging si Derrick, sa previous interviews sa kanya, kung ibalandra naman ang kanyang angking “Super Hero Talent”, kung ‘yun man ang tama or akmang salita na dapat itawag, super proud sa kanyang “biggie birdie”.

Si Derrick mismo ang nagsasabi kapag nagkukuwento siya sa mga gay entertainment writer na nakasanayan na rin namin ang pagiging naughty niya. Tuloy, nagiging relax siya tuwing may Q and A sa kanya.

Kung suot niya ang kanyang costume, halata ang “bukol” sa pagitan ng kanyang mga hita even without exerting an effort.

“Kaya nga po para hindi bastos tingnan, kapag isinusuot ko ‘yong costume, iniipit ko between my legs ang akin para hindi naman mag-bulge,” sabi niya sa umpukan ng reporters sa media launch ng bago nilang pantaserye ni Bea na magsisimula na sa Sunday, November 13.

Mabuti na lang, vibes sila ng kanyang ka-partner. Ang relasyon nilang dalawa na parang magka-barkada ay nawawala ang hiya at pagiging conscious nila sa isa’t isa.

Pansin ko lang sa outfit ni Derrick, ang ganda ng fitting ng kanyang “Tsuperhero” outfit, pero parang off sa akin ‘yong mala-headress niya na tuloy ay natatakpan ang maganda niyang mukha.

“Pero okey naman, tito. ‘yong costume ko. At first, I was conscious, pero nang masanay ako, ok na. Hindi na ako nahihiya.

“Pero sobrang init kapag suot ko ‘yong outfit na parang plastic ‘yong material,” kuwento niya.

Sa pantaserye, gaganap bilang nanay niya ang nagbabalik sa Kapuso Network na si Alma Moreno.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.