Bea Binene, ayaw patulan ang isyu ni Xian Lim

Bea-BineneBea-BineneAYAW PATULAN ni Bea Binene ang tila pang-ookray ni Xian Lim sa kanya nang bastusin niya ang Kim Chiu look-alike recently.  Harap-harapang sinabi ni Xian na kamukha ni Bea ang babae at hindi si Kim.

Isang reporter ang kumuha ng side ni Bea pero she was not able to get a controversial reaction.

“Tita, p’wede po bang no comment na lang?” sagot ni Bea kay Nitz Miralles.

“Thankyou na lang, tita! At least po, kilala ako. Hehehe. :))” ang reply ni Bea sa pangungulit ni Nitz.

Lumalabas na mas may breeding pa itong si Bea kaysa kay Xian na mas mataas ang pinag-aralan.

 

HINDI PALA competitive itong si Richard Yap. This, we realized when we asked him how he look at competing with other actors.

“Hindi ganoon ang perception ko,” sabi niya sa thanksgiving party niya for the press.

“As long as I feel that tama ‘yung ginagawa ko sa role o sa project ko ay okay na sa akin ‘yon. I don’t want to be competing with other kasi iba naman tayong shows, iba ng roles. You have to compete with yourself. You have to do better,” sabi pa ng bida ng Be Careful With My Heart.

“Pumasok ako dito, baguhan ako. I was given the right break. Wala na akong hinahangad o hinihingi pa. Contented lang ako. I think contentment is the key. You have to be contented with what you have,” sabi pa niya.

Maganda ang values ni Richard as he believes na “umiikot nga ang mundo. Hindi tayo parati nasa taas. I think you have to be good to anyone. The thing I hate most is people who use other people so I don’t want to be known as someone like that.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Bea Binene, ayaw patulan ang isyu ni Xian Lim

  1. gang ngayon, diko talaga lubos-maisip paanong “panlalait” ang sabihang KAMUKHA KA NI BEA BINENE. Hindi nyo ba naisip na kung tutuusin, mas maganda si Bea kesa kay Kim? Kapamilya ako ha, but sumobra na ang make-up ni Kim to the point na me pictures siya na kamukha si BB GANDANGHARI, pramis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.