Bea Binene, awat muna sa pagbo-boyfriend

Bea Binene, awat muna sa pagbo-boyfriendNo time for love! Ito ang malimit na marinig ngayon sa teen actress na si Bea Binene na excited na sa pagpapalabas ng kanyang bagong serye under GMA 7, ang “Hanggang Makita Kang Muli” katambal si Derick Monasterio.
Tsika nga ni Bea Binene, “Tito John, siguro pass muna ako pagdating sa lovelife, career muna ang aatupagin ko ngayon. Hindi naman sa ayaw ko na. Pero sa ngayon, ito siguro muna ang bibigyan ko ng atensiyon.
“Kumbaga nabigyan ko na naman siya ng oras dati. So ngayon, trabaho muna at pamilya ko. Lalo na ngayon na nabigyan muli ako ng bagong trabaho ng GMA 7 at mahirap ‘yung role na ginagampanan ko. So, kailangan talaga na mag-focus ako, para sa soap namin.”
Happy naman daw si Bea kahit single siya dahil marami naman daw taong nagmamahal sa kanya mula sa mga kaibigan, pamilya, at tagahanga.
Alam naman daw nito na darating din ang tamang panahon at tamang oras, at darating din ang tamang lalaki sa kanyang buhay.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleSheryl Cruz, focus muna sa pagkanta at negosyo sa pagtatapos ng “Buena Familia”
Next articleXian Lim, ayaw raw isipin pero umaasang mapansin ng award-giving bodies ang pagganap sa “Everything About Her”

No posts to display