Bea Binene at Jake Vargas, mas mabuting mag-focus sa career at pag-aaral

ANG DAMING nag-break ngayon, pero itong hiwalayan nina Raymart at Claudine ang mas pinag-uusapan at sinusubaybayan ng publiko.

Napag-usapan sandali ang break-up nina Billy Crawford at Nikki Gil, pero parang magulo pa dahil hindi naman nasabi kung ano talaga ang dahilan ng break-up.

Sumunod palang nag-break, sina Jake Vargas at Bea Binene naman.

Nu’ng nakaraang Linggo lang daw nakipag-break si Bea dahil madalas daw nilang napapag-awayan ang mga kaibigan ni Jake.

Bad influence ba ang mga kaibigan ni Jake, o baka pinapakialaman lang talaga ni Bea pati mga kaibigan ng young actor?

Pero keber ba! Ang babata pa nila at mas mabuting mag-focus na muna sila sa kanilang career at sa pag-aaral nila, ‘no!

Kung talagang sila, magkakabalikan din ‘yan sila. Hindi mahirap ‘yan, dahil madalas naman silang magkasama sa trabaho.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.