Bea Binene at Derrick Monasterio, posibleng magka-inlaban

Bea Binene and Derrick Monasterio

Bea Binene and Derrick Monasterio

Hindi raw malabong magkamabutihan ang bestfriends in life na sina Bea Binene at Derrick Monasterio na magka-love team at magkasama sa “Tsuper Hero”.

Tsika nga ni Bea sa presscon ng pelikulang “Enteng Kabisote 10 and The Abangers” na showing ngayong sa lahat ng sinehan nationwide, “Ako naman, wala namang imposible.”  

Dagdag pa ni Bea, “Basta ako, alam ko ang priorities ko. Sa ngayon, inuuna namin ang careers namin pareho.  Wala namang imposible. Let’s see. I’m not closing my doors. In fairness naman kay Derrick, mahilig siyang tumingin sa future, magplano… 

“And then, kapag siya nakita mo, kunwari first time mo siyang makita, akala mo puro joke-joke lang, sobrang wala lang, maloko lang. Kapag nakilala mo siya totally, mayroon din pala siyang serious side. ‘Yung puwede mo siyang kasama ‘pag fun-fun, pero puwede rin ‘pag seryoso.

“Go out? We go to the gym together. Du’n ako nagdyi-gym. Sabi ko kasi. ‘Yung coach niya, ‘di na siya puwedeng i-work out kasi nabuntis yata. Sabi ko, ‘Try mo sa amin.’ Hayun, tinray niya. Du’n na siya nagdyi-gym. Nagkikita kami, pero ‘di naman palagi. Minsan tatawag siya, ‘O, gym tayo?’ Sasabihin ko naman, ‘O, sige.’”

Maagang Christmas gift nga raw kay Bea ang pagkakaroon nito ng TV show at pelikula bago matapos ang taon. Umaasa nga ito na mas magiging maganda ang pasok sa kanya ng 2017.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.