Bea Binene at Barbie Forteza, may silent war?!

PUMASOK NA sa book 2 ng Luna Blanca sina Bea Binene at Barbie Forteza. Medyo may tensyon sa dalawa dahil aminado silang ‘di ganu’n ka-close, pero sinisigurado nilang walang magi-ging problema sa pagtatrabaho nila.

“Hindi naman kailangang maging close, eh, pero okey kami ni Bea,” giit ni Barbie.

“Mas close ako kina Joyce Ching at Lexie Fernandez kesa kay Barbie, pero okey naman po kami,” sey naman ni Bea.

Excited ang dalawa lalo’t pang-primetime ang programa. Siyempre, mas marami ang makakapanood sa kanila. Ang GMA-7 management ang nagbigay ng proyekto sa dalawa lalo’t may napatunayan na dahil hit na hit ang Nita Negrita ni Barbie at ang Alice Bungisngis ni Bea. Sila rin ang pumili sa kung sino ang makakapareha ng dalawa, si Kristoffer Martin kay Bea, at si Derrick Monasterio naman kay Barbie. Dahil du’n, nagri-react daw si Joshua Dioniso pati na rin si Jake Vargas, dahil feeling naetsa-puwera sila.

“Wala po akong magagawa du’n, eh. Nu’ng ibinigay po sa akin itong project, hindi ko po alam kung sino ang makakapareha ko. Sa set ko na lang po nalaman na si Kristoffer iyon. Siyempre po, nalungkot din ako, kasi ito ‘yung first time na hindi kami magkaka-partner ni Jake.

“Actually, nagdalawang-isip din po ako nu’ng una sa role kasi mahirap po ‘yung karakter na gagawin ko. Maitim po ako dito, eh. ‘Yung sa mukha po, make-up ‘yun, ‘yung sa buong katawan, air-brush po. Malagkit at mainit po ‘yung sa mukha na ayaw na ayaw ko, pero naisip ko rin na ito ‘yung ibinigay sa akin at blessing po ito,” sabi ni Bea.

Nu’ng si Barbie naman ang tanungin namin kung bakit hindi si Joshua ang kapartner niya, umiling lang ito at parang ayaw magsalita. Inulit namin ang tanong sabay kinumusta sa kanya ang dating ka-loveteam.

“Hindi po kami nagkakausap, matagal na. Hindi rin kami nagkaka-text. I think, busy siya sa school kasi regular student siya. Alam ko, okey naman kami,” sagot nito.

Totoo bang nagpadala na ito ng feelers sa ABS-CBN at gusto nang bumalik sa dating network? Tipong nagsi-senti daw ito kasi’y pinaghiwalay na sila, wala pang project sa Kapuso Network?

“Hindi ko po alam. Wala akong alam,” sey lang ng teenstar.

Okey lang ba na si Derrick ang kapareha niya?

“Okey lang, kasi close kami niyan, eh,” sabay turo kay Derrick na katabi lang niya. “Kahit si Kristoffer, close din ako sa kanya. “

Paano kung kay Derrick naman siya ma-link?

Sumimangot muna ang dalagita sabay sabing, “Hindi p’wede kasi hindi ako ang type niyan.”

Kasama pa rin sa Luna Blanca sina  Camille Prats, Gina Alajar, Yassi Pressman, Allan Paule, Marissa Delgado at Chynna Ortaleza sa direksyon ni Dominic Zapata.

 

BLIND-ITEM: Punung-puno ng mga nagbabagang balita ang apat na sulok ng showbiz, kabi-kabila ay pulos awayan at eskandalo na sa demandahan humahantong.

Sa kabila n’yon, isang kuwento ang nasagap namin na hindi nakaligtas sa aming matalas na pandinig.

Ang sabi-sabi, umutang daw ang isang talent manager sa kanyang male talent ng P2-M. Yes, 2M as in 2M! May K naman daw na magpautang si male talent dahil ito raw ang highest paid sa mga talent ni talent manager. ‘Di ba nga may mga negosyo rin si male talent, so may pera!

Ang nakakaloka lang, ‘di ba sinasabing mayaman at maraming pera itong si talent manager, ba’t umabot sa puntong ngayon ay nangungutang na siya? Naku, kapag nakarating ang balita sa mga kaaway niya, tiyak pagtatawanan siya’t lalong lalaitin. Hay, giyera na naman iyan! Kalurky!!!
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

10 thoughts on “Bea Binene at Barbie Forteza, may silent war?!

  1. My God. Walang kwenta. Feeling stars ang dalawang ito eh wala naman talent. Lalo na itong Barbie Forteza na mukhang matandang bata. Feeling niya ang ganda niya eh mukha siyang manikang mangkukulam. Kala mo sikat because she has a fellow not so handsome love team. Waste of time and waste of energy for reading this item. Barbie, mas bagay sayo mag aral ka na lang….wala kang fans at wag mag illusion na maganda dahil wala kang binatbat ate

    • bat ikaw maganda kba?wag mong sbhin na hndi siya maganda atleast sikat siya.kahit ganun lang yun si barbie magaling naman siyang umarte,e ikaw magaling ka bang umarte?

  2. Wala bang bago? Luma na yang gimik na yan. Naisulat na nga yang ng isang writer na walang naniniwala dyan at cheap gimik lang para sa teleserye nila.

  3. WOW KANU BAYAD SA BAKLANG WRITER NA TO???? PARA MASULAT ANG DALAWANG STRUGGLING UNKNOWN STARLETS NG KAPUSAKALYE???? GUMAGAWA NG ISYU PARA MAPAGUSAPAN ANG MGA STARLETS??? HAHAHAHAHA HOW VERY CEHAP AND HOW VERY GMEEEWWWWW MGA KACHEPAN GINAGAWA JUST TO BE NOTICED HAHAHAHAHA YUCKKKKKK TULAD NG BAKLANG WRITER KUNO HAHAHAHA BAYARAN NAMAN HAHAHA PANU KAYA NAAATIM NG WRITER NA TO MAPALAMON PAMILYA NYA SA MGA PINAGSUSULAT NYANG WALANG KATORYA TORYA AT BAYAD LANG??? AHAH

    • eh ikaw nga d ko alam panu ka nkapag comment dito bitter mo eh ikaw artista kba?? bka tambay ka nga lng eh haha… nakaka awa

  4. eh hindi naman nagrerate ang show ng dalawang hitad na sina barbie at bea at tinapat pa sa walang hanggan ha! akalain mo? syempre ang sasabihin ng kapuso, talo nila ang katapat na programa, ganyan naman eh. naku naku mga kapuso bakit naman kasi yang dalawang future starlets pa ang itinapat nyo sa kapamilya, tignan nyo, milya milya ang lead ng WH sa show nyo. hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.