Bea Binene, apektado sa ‘live-in’ nila ni Jake Vargas

HINDI MALAMAN ni Bea Binene kung bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang dating ng intriga at kontrobersiya sa kanya. Ang pinakamatindi raw ay live-in isyu nila ni Jake Vargas at sabunutan daw ng nanay niya at kapatid ni Jake.

“Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit pilit sinisira ang career ko at ang relasyon namin ni Jake,” bungad ni Bea.

“Hindi ko naman lahat mapi-please. Siguro lahat naman sila, may gusto at may hindi rin gusto. Basta ang importante, as long na alam ko ang totoo, as long na alam ko na maraming nagmamahal sa akin kaysa sa nagsasabi ng gossips at mga paninira sa akin, wala akong dapat isipin. Mas maraming nagmamahal sa akin,” paliwanag pa ni Bea.

Hindi naman itinanggi ni Bea na naapektuhan siya sa tsismis na nag-away ang nanay niya at kapatid ni Jake at pati na ang pagli-live-in daw nila.

“Katulad ng sinabi ni Jake sa interview niya, as long na alam namin kung ano ang totoo, alam namin ang kung sino ang paniniwalaan. Ang sa akin lang, bakit hindi na lang sila maging masaya sa life nila, ‘di ba?

“Bakit may mga tao na hindi na lang maging masaya sa buhay nila? Na kailangan pa nilang pakialaman ang buhay ng ibang tao. Na kailangan pa nilang sirain ang happiness ng ibang tao!” katuwiran ni Bea.

Umapela si Bea sa mga taong nanggugulo sa relasyon nila ni Jake. Sana raw ay maging masaya na lang ang mga ito sa kanila at huwag na silang intrigahin pa.

Pinagdiinan pa ni Bea na tanggap na tanggap daw ng mommy niya si Jake bilang boyfriend at itinuturing na rin raw na parang tunay na anak si Jake.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Bea Binene, apektado sa ‘live-in’ nila ni Jake Vargas

Leave a Reply

Your email address will not be published.