Bea Binene, ‘di na umaasang mabubuo pa ulit ang pamilya

HINDI NA NAPIGILAN ni Bea Binene ang maiyak nang husto nang in-interview ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado tungkol sa paghihiwalay ng Mommy at Daddy niya.

Nung Father’s Day raw mismo, iniwan sila ng Daddy nila kaya hanggang ngayon ay emotional pa rin ang young actress kapag napapag-usapan ito.

Kilala ko ang magulang ni Bea lalo na ang Mommy niyang si Carina. Napakabait pa naman nito at alam kong paborito si Bea ng Daddy niya, kaya tiyak na mabigat din ang loob nito na iwan sila.

May alam akong kuwento tungkol sa hiwalayang iyan, pero siyempre ayoko namang manggaling sa akin, ‘no!

Ang mabuti lang, okay na ngayon ang takbo ng career ni Bea at kaya naman nilang mag-ina. Pero mahirap pa rin daw sa kanilang mag-adjust na hindi na nila kasama ang kanilang ama.

Hindi na rin umaasa si Bea na magkakabalikan pa ang Mommy at Daddy niya, pero sana madalaw man lang daw sila kahit paminsan-minsan.

Ito palang si Bea ang nakaeksena ng Azkals sa Tween Academy at ang dinig ko, merong isang miyembro ng Azkals na tila type ang young actress. Kaya lang sobrang bata pa ni Bea, kaya ewan ko lang kung matataypan din niya ito.

 

HAY NAKU, ‘DAY! Naloloka na ako dahil patapos na ang Minsan Lang Kita Iibigin, kailangang nasa bahay na ako nang maaga para hindi ko ma-miss ang bawat episode bago ito magtapos.

Naloloka na ako sa mga alaga ko na ayaw nilang sabihin kung ano ang mangyayari. Pero siyempre kinulit-kulit ko sila, ‘no!

Tawag nang tawag naman sa akin ang ibang kakilala ko na nangungulit na magpa-picture kina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez at Amy Austria dahil sobrang sinusubaybayan daw nila ang Minsan.

Sabi sa akin ni LT, ayaw na raw muna niyang magkontrabida pagka-tapos nitong Minsan, dahil sobrang sama na raw nang ginagawa niya bilang si Allondra.

Sa susunod daw niyang soap na gagawin, sana mabait na raw, kasi sobrang na-drain daw siya bilang si Allondra.

Si Amy naman ay magpapahinga muna sa New Zealand ng ilang buwan. Tingin ko, ayaw na muna ng dyowa niya na magtrabaho dahil sa nagkasakit nga ito, ‘di ba?

Nakakatuwa nga si Amy dahil pagkatapos niyang lumabas ng hospital, nangako itong ang susunod niyang talent fee na nakukuha sa Minsan, ibibigay na raw niya ito sa church nila.

Pati ang dyowa niyang si Duke Ventura ay tinatapatan din ang ibinibigay ni Amy sa kanilang church bilang pasasalamat at gumaling ito.

Malaki ang pasasalamat ng church nila dahil marami raw natulungan ang perang naibigay nina Amy at gusto nga ng alaga ko na tuluy-tuloy na itong pagbibigay ng tulong sa kanilang simbahan at sa mga mahihirap.

Pero ewan ko lang kung babalik na si Amy sa pag-aartista, dahil sa ngayon ayaw na muna ng dyowa niya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Bea Binene, ‘di na umaasang mabubuo pa ulit ang pamilya

  1. ano ba iyan!!! nagpapansin na nga at umiyak pa ng oncue wala pa ding dating!!! wawa naman!!! Magtumbling ka na lang!!!

  2. Nakakaawa ka naman pala Lolit, pag huminto si Amy Austria sa pag-artista for awhile, mabawasan tuloy ang komisyon mo sa kanya. Kawawa tuloy ang mga mata ni Lolita. :(

Leave a Reply

Your email address will not be published.