Sugod Shooting: Bea at John Lloyd, NAISPATAN SA MALAYSIA!

Napakatinik naman talaga ng ating kamerang-gala! Akalain n’yo bang sumugod pa ito sa Malaysia para hunting-in sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo!

Hindi naman nasayang ang pag-aala-asong bumubuntot ng ating parazzi photog at naispatan nga niya ang isa sa pinakanakakakilig na loveteam sa telebisyon at pelikula.

Yes, mga kaparazzi! Ilang eksena nga sa post-Valentine movie nina Bea at Lloydie na Miss You Like Crazy ang kinunan sa Malaysia ni Direk Cathy Garcia-Molina. At walang sinayang na pagkakataon ang ating kamerang-gala para kunan ng exclusive behind-the-scenes photos ang mga star ng latest offering ng Star Cinema.

Huli pa nating napanood sa big screen ang super-click na Bea-John Lloyd tandem noong 2007 sa pelikulang One More Chance. At huli silang gumawa ng teleserye noong 2008 na early 2009 nagtapos, ang I Love Betty La Fea. Pansamantala silang pinaghiwalay – ipinares si Lloydie kay Sarah Geronimo sa dalawang blockbuster movies na A Very Special Love at You Changed My Life, samantalang si Bea naman ay gumawa ng And I Love You So opposite Sam Milby and Derek Ramsay.

Kaya naman, mas nakaka-miss sa fans ng dalawang ang mistulang comeback movie ng dalawa as loveteam. While waiting nga sa showing ng Miss You Like Crazy, i-enjoy na muna natin ang mga litratong ito.

Ni Dani Flores

Photographs by ALLAN F. SANCON

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sugod Shooting: Bea at John Lloyd, NAISPATAN SA MALAYSIA!

  1. hi..lloydie guapo u tlga di ako mgsswa sau sana mrme kpa movie mgwa pra kiligin ako at mameet kita one more chance pls hehe love u john lloyd keep up the good work luv u god bless u always!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.