Bea Alonzo’s two-piece photos leaked

SA CONTRACT SIGNING (3 pictures for 2 years) ni Bea Alonzo sa Star Cinema, naging sentro ng usapan ‘yung controversial pictures niyang lumabas sa isang magazine na naka-two-piece bikini ang dalaga.

“Sa shooting namin sa And I Love You So kuha ‘yun. Apparently, may kumuha na hindi ko alam, but okay na naman. Kinabahan ako noong first na malaman ko. Ang nagsabi sa akin nina Toni (Gonzaga), Luis (Manzano) and Mariel (Rodriguez), nakita kasi nila, sa E Live! Sabi nila, ‘Grabe ha? Pa-two-piece-two-piece ka na lang.’ Hindi naman ako nagalit, nagulat lang ako, kasi nga hindi ko alam. Okey naman ‘yung reaction ng mga tao. I don’t expect na lalabas siya, parang paparazzi  ‘yung shot,” paliwanag ni Bea.

So, palagi ka na namin makikitang naka-two-piece? “Oo, pupunta ako ng ABS na nakaganyan lang… joke lang! That’s for the movie, kailangan lang sa pelikula I’m working on. Ibang Bea ang makikita n’yo rito sa movie. I want to become a woman, may iba naman akong i-offer sa mga tao.”

Pagiging slim and sexy, how do you do it? “At first, I did yoga. Thankful ako sa Star Cinema kahit after-lunch na ako makarating sa set, basta makapag-yoga lang ako. Pinapayagan ako ni Direk Laurice Guillen pero habang tumatagal, kasi malapit na ‘yung playdate, hindi na ako nakakapag-yoga.  It helps din ‘yung manager namin, ‘yung lahat ng kakainin ko, siya ‘yung umo- order.

Nagmamalaking sinabi ni Bea na 15 lbs. ‘yung nawala sa kanya. “‘Yung mga damit ko dati, kasya na naman. So, bumalik uli ‘yung dati kong size. Tuluy-tuloy pa rin ‘yung diet ko, ayaw kong magpataba uli. Continuous pa rin ang dami ko pang kailangang i-improve sa body ko. Baka pumunta ako sa dance classes ni Mickey Ferriols, kasi she lost 20 lbs. yata. Parang bonding time na rin namin.”

So, very confident na ngayon si Bea? “I think in the sense na I can wear this sa ganitong presscon (naka-miniskirt). Ang feeling ko, sa fashion, sa pagsasalita, mas less na ‘yung insecurity ko. Hindi lang dahil sa katawan. Ang feeling ko, because of your age, you know alam mo ‘yun, kaya mong gawin kung ano ‘yung value mo as a person.”

Tuluy-tuloy na kaya ang pagpapa-sexy niya? “Hindi naman sa pagpapa-sexy, there is more than sa pagpapa-sexy. Malapit nang matapos ‘yung movie namin ni Direk Laurice. She’s in London but we we’re happy sa itinatakbo ng trailer namin, dahil napanood ko. Wow, nakaka-inspired, kasi alam mo na kung saan tatakbo, and I really love the lines.”

Kumusta naman ang erotic scenes with Derek Ramsay and Sam Milby? “Mayroon ding intimate scene with Derek. With Sam hindi ko pa nagagawa ‘yung love scene ko sa kanya. With Derek, I was comfortable, kasi si Derek sobrang professional niya. Kaibigan ko si Angelica (Pangilinan), hindi man lang pumasok sa isipan ko, grabe nakakahiya. Kasi, akala ko papunta ako sa set, ‘yung isip ko, ‘ano’ng mangyayari? Nakakahiya naman.’ Pero noong nag-step na kami roon sa acting space, he didn’t made me feel na ganoon. Na teka muna, kailangang may wall tayo, ganyan. He’s a very good actor at napaka-professional niya,” pahayag ni Bea.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Bea Alonzo’s two-piece photos leaked

  1. Kita ba yung bulbul ni Bea? kagaya nung kay Marian? at labas na ba yung kantutan nila ni Hayden? kasi hinde naman siya maganda at barya-barya kung umarte unless na pa cute-cute kuno na hinde naman ok so ano pa ang puwede niyang gawin???

  2. iloveyou bea… nung nbsa ko sa thread mo na my two piece bathing suit ka jan sa d buzz mag ay naku kol agad ako sa husband ko na nsa pinas para mkabili and den after opis nya pnapunta ko agad xa sa sm national bukstore but sad 2 say na ubos na dw .. khit ganun at list hapi ako at mbenta but mgaling talga husband ko he go 2 another mag stand at swerte my natirang isa at talagang para sken un hehe… i cant wait to see dat mag…. goodluck for the movie… big hit.

  3. C yasmien nga raw ang bea ng gma7. Pwd b kapanget ni yasmien, wala ata sa bukabularyo nya ang salitang “diet” at ganun ang katawan hehe. Well im n0t a bea fan.

  4. I don’t particularly like Bea but I admire her self control. She lost a lot of weight. She looks good.

Leave a Reply

Your email address will not be published.