Bea Alonzo, Zanjoe Marudo at Angel Locisn, Phil Younghusband, pinagtagpo ang mga puso ng simpleng pangyayari

WHAT DO young celebrity couples Bea Alonzo-Zanjoe Marudo and Angel Locsin-Phil Younghusband have in common?

Parehong pinagtagpo ang kani-kanilang mga puso sa mga simpleng pangyayari. Bea and Zanjoe shared a good friendship bago tuluyang nauwi sa mas malalim na pagtitinginan ang kanilang relasyon. Maganda ang naidulot ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Mas nakikihalubilo na si Bea sa iba samantalang naging mas open naman si Zanjoe sa kanyang nararamdaman when it comes to relationship.

On the other hand, nagsimula ang lahat para kina Angel at Phil sa simpleng palitan nila ng tweets. Phil invited Angel for a Valentine’s date. On Twitter, he wrote, “Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentine’s Day?” Sumagot naman si Angel telling him that she was not available on that special day because of work. Pero natuloy sa ibang araw ang kanilang friendly date na target shooting.

Ngayon, hindi na talaga mapaghiwalay ang dalawang pares na ito and they proved that love is even better when shared. Parehong naging maganda ang impluwensiya nila sa bawat isa.

Magkasamang naghatid ng saya at pagmamahal sina Bea at Zanjoe sa mga naging biktima ng nakaraang kalamidad. Together with Shaina Magdayao, Enchong Dee, Billy Crawford, Nikki Gil, Vhong Navarro, Ryan Bang and others, the couple visited the residents of San Mateo, Rizal to distribute relief goods. This was followed by their relief operation in Ususan, Taguig kung saan lumaki si Bea.

At katulad nina Bea at Zanjoe ay tumulong din sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sina Angel at Phil. Sa kasagsagan ng malakas na ulan ay isang twitter post ang lumabas kung saan nakita diumano ang dalawa na namimili sa isang supermarket ng mga supplies na ibibigay nila sa mga biktima ng baha. There were also photos showing them packing the relief goods in Angel’s house. Kuwento ni Angel, “Kasi pamilya ko sa bahay ang gumagawa so medyo kulang sa tao so tumulong naman siya. In fairness naman kay Phil, siya iyong talagang nagbu-volunteer.”

Katulong ang Gabriela, mismong sina Angel at Phil daw ang nagdala ng mga tulong para sa mga residente ng Barangay Silangan, Quezon City. Maliban dito ay nakiisa rin si Angel sa iba’t ibang relief operations kasama ang ibang Kapamilya celebrities.

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang likas na pagiging matulungin ni Angel. She was one of the celebrities who spearheaded the website www.shopandshare.ph which was dedicated to help the victims of Ondoy and Pepeng.

Sa mga artistang walang sawang tumutulong sa ating mga kababayang nasalanta ng habagat, mabuhay kayong lahat!

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Bea Alonzo, Zanjoe Marudo at Angel Locisn, Phil Younghusband, pinagtagpo ang mga puso ng simpleng pangyayari

  1. pinoyparazzi anong ginawa nyo sa pictures ng couples na to? Ok lang si Phil and Bea dito gwapo and pretty pa rin. Pero maganda rin naman si Angel pero bkit naging kamuka dito ni Melai? At pogi si Zanjoe pero dito mukang engot! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.