Bea Alonzo, umaasang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoBEA ALONZO teams-up with Dingdong Dantes and Enrique Gil for the first time in the movie She’s the One na palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide. Bea plays Cat who always supports her bestfriend Wacky (Dingdong). She then meets David (Enrique) na magpapatibok sa kanyang puso. Pero sa bandang huli ay kailangan niyang pumili kung sino sa dalawa ang kanyang dapat ibigin: ang kanyang best friend na matagal na niyang mahal o ang lalaking nagpapahalaga sa kanya.

Pero sa totoong buhay ay walang problema si Bea pagdating sa usapang pag-ibig. Patuloy na gumaganda at tumitibay ang pagsasama nina Bea at Zanjoe (Marudo). They will celebrate their third year as a couple next year. Sabi nga ni Zanjoe sa The Buzz noon ay si Bea na ang babaeng nakikita niyang ihaharap sa altar.

Bea recently guested on Kris TV to promote her new movie. She was asked during an interview if she thinks Zanjoe is “the one” for her. “’Di ko alam. I hope he’s the one,” she answered. Matatandaang inamin niya dati na napag-uusapan na nila ni Zanjoe ang tungkol sa kasal pero maaga pa para kumpirmahin ito.

The celebrity couple shared a good friendship bago tuluyang nauwi sa mas malalim na pagtitinginan ang kanilang relasyon. Pero inamin ni Bea na noong una ay hindi sila attracted sa isa’t isa ni Zanjoe. “Friends lang talaga kami. Siguro na-develop. To be honest, hindi ko siya type, hindi niya ako type eh, noong nag-uumpisa.”

Nagbago ang lahat when they started to realize that they were having so much fun together. “Tapos parang nasa same page kami na parehong we wanted to go out, we wanted to have fun. In the process, you’re having fun with this person, nare-realize mo na ang dami mo nang happy moments with him. Tapos looking back, iyong lahat ng moments mo with him, lahat happy.”

Let’s wait and see at baka sa susunod ay kasalan na ang ating pag-uusapan tungkol sa dalawa.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Bea Alonzo, umaasang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’

  1. Pingback: Bea Alonzo, umaasang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.