Bea Alonzo, sadyang nagpaseksi

Sarah Geronimo’s fans are reacting about the rumor that Rayver Cruz is allegedly courting Melissa Ricks. Hiningan ng comment si Sarah tungkol sa isyu na nagagalit daw ang kanyang fans kay Rayver during the press launch of her new product endorsement. Sinabi niya na natutuwa siya sa concern na ipinapakita ng kanyang mga supporters. Wala raw masama kung manligaw si Rayver kay Melissa dahil wala naman itong commitment sa kanya. Masaya raw siya kung saan masaya si Rayver.

I think Sarah is very polite for saying that. Kadalasan kasi, ang relasyon ng fans sa kanilang iniidolong artista is highly emotional. But I understand the fans kasi pinagdaanan ko rin iyan. Fans always want their favorite stars to end up together in real life. It is also hard kapag nali-link sa iba ang katambal ng kanilang paboritong artista. Kaya Rayver, dapat iklaro mo if you are courting Sarah or not.

BEA ALONZO ADMITS that she is trying to look sexier for her upcoming film And I Love You So. May balak din daw silang mag-gym ni Kris Aquino.

Lalong gumaganda ngayon si Bea but is she ready to fall in-love again? “Hindi ko alam. Depende kung sino. Nobody would know until merong ibibigay sa iyo. Tapos kung may maramdaman akong spark.” Bea says she has no time to date right now.

Bea has bloomed into a beautiful woman. Looking at her, alam kong malayo pa ang kanyang mararating sa industriya. She is my bet for the next great dramatic actress!

KC CONCEPCION DESCRIBES Piolo Pascual as a sweet guy. May nabasa raw siya na sinulatan ni Piolo si Megastar Sharon Cuneta. Hindi raw niya alam ang tungkol dito kasi walang sinasabi sa kanya ang pamilya niya at si Piolo. She admits that it is her first time to be courted in a traditional way.

May pag-asa ba sa kanya si Piolo? “Nasa kanya iyon kasi pag nililigawan ka, wine-welcome ka ng lalake sa buhay niya. Kung i-welcome mo ako sa life mo, sana worth it. So, nasa kanya iyon kung ano ang gagawin niya.”

KC and Piolo are a beautiful couple. Someone told me that Piolo gave KC a five-year supply of Frederic Malle Perfume which he bought when he went to the Cannes Film Festival.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

5 thoughts on “Bea Alonzo, sadyang nagpaseksi

  1. ewww bea..i am a kapamilya but never I did like bea…she’s so oa..yeah she can act but she can’t dance, she can’t sing and she cant play seductive..so stop it…

  2. never akong naseksihan kay bea…..sobrang o.a. nya
    napaka arte pa……plastik syang tingnan…paborito lang talaga ng abs……diba mr. m?

  3. ay sus maganda ba yang c bea na yan e ayan at nagpipilit magpaseksi e kahit mamayat p cya e tingnan mo nman ang hita parang panghambalos ng dalag…

  4. toh! talagang c boy ipagsiksikan ba c rayver kay sarah…plzzzzz! tigilan mo pag link ni rayver kay sarah…nakaka SUKA si rayver!!!! gusto pa kasing buhayin ang bangkay! hahahaha!!!!!

  5. siguro utos kay rayver na pakiligin ang sarah rayver fans kaya lan sumobra at nakakasama ng loob.hindi na lan sana kami pinaasa at pinaniwala sa kasinungalingan na may gusto siya kay sarah at huwag na niya alamin kung sino nagsabi sa amin dahil very reliable source ang nagsabi sa amin kaya huwag siya magtaka bakit ganito reaction namin sa ginawa niya at hindi na rin kami interesadong malaman ang mga sagot niya dahil nawala na ang tiwala namin sa kanya