Bea Alonzo, reynang-reyna kay Zanjoe Marudo!

HINDI LANG naman sa kanyang mga salita pinaninindigan ni Zanjoe Marudo ang kanyang pagmamahal kay Bea Alonzo, kundi talagang sa kanyang mga gawa ay reynang-reyna rin kung alagaan niya ang leading lady ni John Lloyd Cruz sa pelikulang The Mistress ng Star Cinema. Dahil namumutawi rin naman sa bibig ni Bea ang mga pananalita kung gaano siya sobrang maligaya ngayon sa relasyon nila ng matangkad na actor.

Tutok naman kasi talaga si Zanjoe sa kanyang pakikipagrelasyon kay Bea. Nasa listahan si Zanjoe ng mga aktor sa showbiz na lalaking-lalaki ang dating, kaya talagang maraming kababaihan ang nagpaparamdam na kanyang pansinin.  Hindi naman nawawala ang kanyang pag-appreciate sa ganda ng ibang babae, pero alam niyang maglagay ng wall sa kanyang pagtrato sa ibang babae. Para si Bea ay hindi makaramdam ng kahit anong selos, bagkus ay pagtitiwala sa kanya.

Halatang maalaga si Zanjoe sa kanyang karelasyon. Hiyang na hiyang si Bea sa kanya, dahil bukod sa sumeksi ngayon ang Kapamilya star, napakaganda ng kanyang mukha. Wala kasi siyang naging aberya nang ma-link kay Zanjoe, kumpara noong nagkaligawan sila ni Jake Cuenca, kaya nagkaintrigahan pa sila ng ex-girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo. At nu’ng ma-link naman si Bea kay Ge-rald Anderson, nagbanta ang Kimerald na grupo ng mga tagahanga ng actor at ni Kim Chiu, na bubuhusan daw nila si Bea ng asido sa mukha.

 

NAKALILITO NAMAN itong dating magkarelasyong sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, dahil habang lumalaki ang kanilang anak na si Alex Jazz ay parang hindi pa rin talaga sila tuluyang nagkakasundo sa maraming bagay tungkol sa pagpapalaki sa bata. May kumalat na isyu na nagkakaroon na naman sila ng hindi pagkakaunawaan dahil nagkukulang na naman diumano sa panahon ng kanyang pagdalaw si Patrick kay AJ.

Hindi man direktang nanggaling kay Jennylyn ang mga salita tungkol sa kawalan ng panahon ni Patrick sa kanilang anak, siya naman ang laging tinatanong tungkol sa isyu. Kaya napagbibintangan din si Jen na sa kampo niya nangga-ling ang intriga at reklamo kay Patrick. Sobrang matahimik naman kasi ang kampo ni Patrick, dahil malalaman lang sa showbiz ang problema kapag sumagot na sila sa isyu. Tumatanggi kasi ngayon ang guwapong actor tungkol sa isyung hindi na niya dinadalaw si AJ.

Lumalaki na si Alex Jazz, at tila hanggang sa pagbibinata niya ay lagi niyang maririnig ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang, lalo pa’t nasa showbiz nga sila. Sa ngayon kasi, dehado si Patrick, dahil hindi pa talaga nakababangon ang kanyang career para maipagmalaking masusustentuhan niya nang buo ang kanyang anak. Nakalalamang si Jennylyn, dahil siya ‘yung mas maraming trabaho sa GMA-7 ngayon, habang matatag pa rin ang relasyon nila ni Luis Manzano.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Bea Alonzo, reynang-reyna kay Zanjoe Marudo!

  1. Wala na ba kayong sasabihin maganda sa ? Kayo tanungin nyo ang mga sarili ninyo..perfect ba kayo..??? kaya may karapatan kayong manghusga nang mga tao?  MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA SARILI NYO….

  2. Si Bea pumatol sa napakabobong lalaki wala na bang iba Bea?Itong si Zanjoe walang kalatoy latoy sumagot  sa mga interviews.At sa hysical feature nya parang MR,baka may mild MR.
    Kailangan nya ipakita sa tao na parang reyna si Bea kasi nagagamit nya si Bea para sa career nya.Nagpromote ng hiyas si Bea ang bukang bibig di naman kasama si Bea sa pinopromote. 

  3. Lumang sentence na yang Reynang reyna kay Mr. Marudo,,,, Sinabi na rin nya yan kay Mariel Rodriguez,,, He he he, Anong nagyari kay Mariel Nasulot ni Robin Padilla.

  4. buti at pinatulan pa ni bea ang pahadang si zanjoe, sa dami ba namang mga baklita ang humada na sa kanya, siguro nagtatawanan na ang mga baklita dahil mas nauna pa sila kesa kay bea at kawawang bea, ni hindi daks an g kay zanjoe. hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.