Bea Alonzo, papatayin?!

HINDI NAKAKATUWA ANG natanggap naming e-mail mula sa isang [email protected]. Sa tono ng pananalita, malamang na ‘patay’ na nga si Bea Alonzo kung nagkataong kaharap ng aktres ang nasabing e-mail sender.

Narito ang kabuuan ng e-mail na natanggap ng Pinoy Parazzi, walang dagdag, walang bawas:

“Idenedeklara namin na Persona Non Grata si Bea Alonzo. Ilugar niya sa tama ang kanyang sarili, palibhasa hindi siya napalaki ng maayos ng kanyang mga magulang. Limaki (sic) na hindi alam kung saan siya dapat lumugar, walang respeto.Walang integridad at credibilidad si Bea gaya rin ng kanyabg (sic) ina na walang pinag-aralan. She and her family don’t deserve to live. Ingrata at ipokrita akala mo kung sinong malinis magsalita, nabahiran na ng putik nagmamalinis pa. Wag nga siyang sinungaling linawin niya kung bakit magkasabay sila ni Gerald umuwi. Ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. Sabi ni Gerald sa The Buzz priority niya ang trabaho wala ba siyang paninindigan?

Magpakalalaki ka nga Geralad wala kang isang salita. Hindi mo kayang panindigan ang mga binibitiwan mong salita. Papatayin namin si Bea Alonzo at ang kanyang buong pamilya. Bobombahin namin ang bahay ni Bea para tapos na ang lahat.”

Ang panggagalaiti ng e-mail sender ay kaugnay sa napapabalitang ugnayan umano ni Bea at Gerald Anderson, na lalo pang pinalakas ng ebidensiya ng sabay nilang pag-uwi sa katatapos na Star Magic Ball.

Nabalitaan pa naming nakarating na rin sa Star Magic at ABS-CBN management ang e-mail na ito na naglalaman ng ‘death threat’ hindi lang sa aktres, kundi maging sa kanyang pamilya. Binabalak na rin umano nilang bigyan na ng security si Bea, para maiiwas ang aktres sa anumang peligro.

Previous articleDahil sa ka-cheap-an ng isyung pinasukan: Marian Rivera, nawalan ng product endorsement
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #165: September 17-19, 2010

No posts to display