Bea Alonzo, natutunaw sa titig ni Derek Ramsay by Chit Ramos

HINDI NA RAW masaya ang mga fans ni Derek Ramsay sa mga roles na ibininigay sa kanilang idolo.

Bidang-bida na sana si Derek sa Nasaan Ka, Maruja nang biglang umihip ang hangin at naging pekeng “Gabriel” siya dahil ipinasok si Papa Piolo Pascual bilang tunay na Gabriel.

Ang nakakaiyak pa nito, ginawa pang kriminal si Derek at siya pa ang pumatay sa dalagang sinasamba niya – si Kristine Hermosa.

Sa The  Wedding naman, unang ipinakita si Derek na pantasayang-pantasya ni Anne Curtis. Biglang kambyo ang istorya at naging antipatiko naman ang idolo nila. Hayan, hilung-hilo tuloy sa kanya si Anne at kulang na lang gawing “macho dancer” tulad ng iba pang extra sa eksenang ipinakita noong Sabado.

Tapos heto na ang And I Love You So. Asawa na sana siya ng bidang si Bea Alonzo, pero, pinatay pa. Hayan, tuloy ang bidang babae, hindi maampat ang luha dahil miss na miss niya ang lalaking limang buwan lang niyang nakasama sa buhay.

Ibang-iba ang dating ni Derek sa tunay na buhay. Sa totoo lang, mas pipiliin si Derek ng sino mang babae, kung ikukumpara kina Papa Piolo, Zanjoe Marudo at maging si Bea Alonzo.

Pati nga si megastar Sharon Cuneta nakiki-uso na si Derek na ang kanyang bagong BF dahil ibinigay na niya sa anak na si KC Concepcion si Papa Piolo.

Ganu’n katindi ang dating ni Derek, kaya inggit na inggit sila kay Angelica Panganiban. Kahit nga daw hindi na sila regaluhan ng machong actor ng Mini Cooper ay mamahalin talaga nila ito habang-buhay.

DEREK’S FANS WOULD like to borrow one of Sam Milby’s hit song na kasama sa second album niya.

Ito ang A Little Too Perfect at pahiram na rin ng Mahal Pa Rin Kita na bagay na bagay ialay kay Derek. He’s a little too perfect for any girl, so how we wish that there will be more Dereks in town para naman hindi mainggit kay Angelica ang lahat ng nagmamahal sa kanyang dyowa at mas marami pa ang maligayahan.

Kahit si Bea ay mukhang si Derek ang laging tinitingnan, kahit ang ibinubuyo nina direk Lauren Dyogi at Coney Reyes ay si Sam para sa kanya.

“Hindi naman nalugi si Derek sa role niya,” paliwanag ni Bea. “Hindi lang talaga puwedeng paglaruan ang anggulo tungkol sa amin, dahil alam ng lahat at botong-boto sila kay Angel (Panganiban nga) para kay Derek. Actually, mabigat ang role niya at kung  tititigan mo talaga siya, matutunaw ka. Ang ganda-ganda ng mata ni Derek at napakapungay pa. He’s such a gentleman at ang sarap kausap. He’s also fun like Sam, pero, there is this maturity in him that is unbelievable. To think na three (3) years na sila ni Angel, ‘di ba papangarapin mo pa rin na mayroon pang ibang katulad niya para maging masaya naman katulad ni Angel, “ natatawang wika ni Bea.

INCIDENTALLY, napanatili pala nina Coney at Bossing Vic Sotto ang maganda nilang relasyon (bilang magulang) kahit may Pia Guanio na ang huli.

“Vic and I still see each other. Nagla-lunch kami or dinner kapag pinag-uusapan namin ang anak naming, si Vico. I never ask him about Pia. We respect our private lives at walang issue doon.”

Hindi rin nakakatanggi si Coney na lumabas sa pelikula paminsan-minsan dahil, maganda lagi ang offer ng kaibigan niyang si Charo Santos-Concio. She was last seen in a teleserye with Judy Ann Santos years back at totoong pinahirapan niya nang husto ang ngayon ay si Mrs. Ryan Agoncillo na.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

5 thoughts on “Bea Alonzo, natutunaw sa titig ni Derek Ramsay by Chit Ramos

  1. sa “the wedding” mas bagay si derek(warren) kay anne kaysa kay zanjoe(marlon) baduy kc ni zanjoe at pangit umarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.