Bea Alonzo, may dyowang tomboy? – Eddie Littlefield

SHOCKED NAMAN KAMI sa balitang diumano ay may dyowang tomboy si Bea  Alonzo. Almost 2 years na nga raw ang relasyon ng dalawa. Lihim ang kanilang  love affair dahil   bawal sa mapanuring mata ng publiko at ng mga fans.

Kasi nga naman celebrity si Bea, makasisira  sa kanyang showbiz career ang pagpatol niya sa tomboy. Kahit tutol nga raw si Mader sa namamagitan sa  anak niya at sa lesbiana, wala itong magawa. Pangaral at dasal na nga lang daw ang puwede niyang maibibigay sa kanyang anak, maintrigang sabi ng aming kaibigan.

Sa condo nga raw ni Bea nagkikita ang dalawa. Minsan nga raw nagpang-abot ang tomboy at ang Mother ni Bea sa condo nito.  Nag-away raw ang dalawa, nagbatuhan ng masasakit na salita sa isa’t isa. Kung hindi pa nga raw naawat ni Bea ang ina niya at ang lesbiana baka nagkasakitan pa nga raw ang mga ito, kuwento pa sa amin.

Mataray at astig kung pumorma ang tomboy na ito, lalaki ang dating pati sa pananamit.  Galing sa magandang pamilya at tanggap nila ang pagkatao nito. Kilala ang kanilang angkan sa lipunan. Maganda pa nga raw kay Bea ang lesbiyana na ito. Hindi na kami na-surprise, nasa lahi talaga nila ang likas na kagandahan.

Katunayan nga, sikat na commercial model at fashion icon ang kanyang pinagmulan. Naging artista rin  noong dekada 80’s,  naging leading lady ng mga sikat na action star. Hindi sila nagtagal sa showbiz, nakapag-asawa ng business icon.

Para magkaroon daw ng privacy sina Bea at ang tomboy, fly sila sa Hongkong, Singapore at Bangkok para makaiwas sa tsismis at intriga. Si Bea pa nga raw ang gumagastos everytime na may trip sila abroad. “Libre nga naman silang gawin ang gusto nila, walang nakikialam,” dugtong pa ng aming kausap.

Ang tomboy rin daw ang naging dahilan kung bakit naudlot ang romansang Bea at Jake Cuenca. Nabalitaan daw kasi ng binata may karelasyon na tomboy ang magaling na actress. Para maging malinaw ang lahat, kinausap raw agad ng actor ang dalaga. Pinapili raw ni Jake si Bea kung sino sa kanila ng lesbiyana ang mas matimbang sa puso niya. Iyak lang daw ang naging tugon sa katanungan ni Jake. Walang nagawa ang guwapong actor kung hindi tanggapin na lang daw ang pagkasawi  sa pag-ibig. Hindi raw totoong si Roxanne Guinoo ang naging dahilan kung bakit huminto sa panliligaw itong si Jake, seryosong  kuwento pa sa amin.

Hanggang ngayon daw going stronger ang relationship ng dalawa. Panalangin nga raw ng mother ni Bea, magising sana ang kanyang anak sa masamang panaginip.  Hindi pa rin matanggap ni Mader na sa kapwa niya babae pumatol ang kanyang anak.

Ano kaya ang masasabi ni Bea Alonzo sa intrigang ito tungkol sa kanya?  Bukas ang pahinang ito para kunin ang kanyang panig sa controversial issue na ito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

23 thoughts on “Bea Alonzo, may dyowang tomboy? – Eddie Littlefield

  1. whahha…ano bea, ba’t pumapatol ka lang ng tomboy….ndi ka sasaya don….Yon ba ang pinalit mo sa akin…?hehehehehehe

    If totoo tong estoryang to….!!!!!!!!!!!!!!

  2. Parang natatawa lang ako sa write up na’to. Esp. dun sa part na pinapili ni Jake si Bea kung sya ba o ung babae tapos iyak lang ang naitugon ni Bea. Haha, sorry but this is bullsh!t. Obviously, this is a made-up story. Kung sino man ang maniniwala dito, mga desperada XD

    I mean, I don’t care if Bea’s lesbian or not. It’s not like she wanted to be one in this first place (if ever she is). And to those who are saying that they won’t like Bea anymore if ever she’s a lesbian are just shallow and uhm uneducated I guess? Just put yourself in those (homo/bi) people’s shoes. You wouldn’t like it either when people are judging you by your sexuality, and not by you being a person.

  3. ang ganda mo bea :D- asus! anong eewww kng pumatol man cya sa tibo?? khit sa bakla pa yn o 30 yrs. older than her. bzta mahal nya!

  4. correct me if im wrong… parang ang angkan ng mga revilla sister’s ang tinutukoy ng writer… eh hello tita kaya ni mico palanca ang mga yun… labo mo writer!

  5. kesyo walang bf me tomboy na… kaya minsan sarap batukan din ang mga writer kasi kung ano anong imbinto na kwento.. sabi nga ni bea sa AILYS gusto n’ya ng ma inlove.. kaso siguro yong heart n’ya gusto lang ng isang guy na mag mamahal sa kanya ng tapat… tagal ko dn nag bf mga 23 na ako ibig sabihin tomboy ako? hellow…. ang cheap ng news na to..

  6. OH PLEASE!STOP THIS GARBAGE!Wala lang kayong maisip na isulat para siraan si Bea.Ang mga writers talaga walang alam isulat kundi paninira lalo na sa mga successful na artista na nagtratrabaho ng todo to entertain people.

  7. hi canadiangirl,
    ganito naman lagi kuwento sa lahat ng babaeng artista nililink sa tibo pag walang bf..i dont believe that craft news..naging issue lang sa kanya yan dahil sa past issue sa kanya about a tibo pero di nman totoo yun kaya sana itigil na yan noh!!

    BAKA CRAP NEWS ang ibig mong sabihin. lol canada eh?

  8. ganito naman lagi kuwento sa lahat ng babaeng artista nililink sa tibo pag walang bf..i dont believe that craft news..naging issue lang sa kanya yan dahil sa past issue sa kanya about a tibo pero di nman totoo yun kaya sana itigil na yan noh!!

    • hi canadiangirl,
      ganito naman lagi kuwento sa lahat ng babaeng artista nililink sa tibo pag walang bf..i dont believe that craft news..naging issue lang sa kanya yan dahil sa past issue sa kanya about a tibo pero di nman totoo yun kaya sana itigil na yan noh!!

      BAKA CRAP NEWS ang ibig mong sabihin. lol

      canada eh?eh?

  9. Walang magawa sumulat nito.. Malaki cguro binayad sa kanya ng inggit ky bea.. Frend ng kapatid ko ang brother ni bea I know them kaya di totoo ito..

  10. matagal nang may balita tungkol sa tomboy na dyowa ni Bea kaya siguro wala siyang bagong boyfriend.. sayang ang ganda pa naman ni Bea!

Leave a Reply

Your email address will not be published.