Bea Alonzo, mapangahas na sa role!

BLIND ITEM: Hindi kami makapaniwala nu’ng una, pero very reliable ang aming source. Ito raw isang may height na aktres ay “sumisinghot” daw. Ng ano? Ng ano pa nga ba? Ng coke! As in cocaine!

Sure ba talaga ito o me naninira lang? Kasi nga, kahit kami, hindi makapaniwala, eh. Pero ang nakakalokah nito, ‘yung friend namin ang ka-jamming niya sa “snorkeling session”.

Kung ito’y totoo, anong nangyari? Baket bumisyo na siya? ‘Di ba, dapat, super wholesome ang image niya?

‘Yun nga ang dapat, eh. Kaso nga, hindi gano’n ang nangyari. May kinalaman kaya ang pakikipag-split nito sa isang aktor? Sobra niya bang ikinalungkot ito, at ‘yung coke ang lunas sa lungkot niya?

Hay, nako, sana, hangga’t maaga, kung totoo man, eh itigil na niya, dahil big turn off ito sa namamahala sa kanyang career.

Kumain na lang siya ng prutas, makakakuha pa siya ng vitamins and mineral o kaya ay potassium.

 

DARING NA daring na nga si Bea Alonzo ngayon. Malakas pa rin naman ang appeal ni Mr. Ronaldo Valdez, pero ‘yung trailer na nakipag-lips to lips dito si Bea ay siyempre, iisipin ng mga fans, “Wow! Pumayag si Bea? Talaga?”

Actually, tama lang na move ni Bea na pumayag na magka-kissing scene, dahil siyempre, benefactor niya sa The Mistress si Tito Ron. Eh, paano nga naman maniniwala ang mga tao kung walang gano’n, ‘di ba?

Tapos, ang wife na si Hilda Koronel na napaka-metikulosa sa pagpili ng role dahil naka-base na siya sa US, para mapapayag mo ‘yan na umarte uli, ibig sabihin, nagandahan siya sa script at ayaw na niya itong palampasin at ipamigay sa iba, lalo na raw at naka-relate siya rito nu’ng araw.

“Layuan mo na ang asawa ko. Tagalog ‘yan para maintindihan mo!” Ang lutong ng linyang ‘yon ni Ms. Hilda ke Bea na mistress ng asawa nitong si Ronaldo.

Sa September 12 na ang showing nito at si Direk Olive Lamasan na rin ang nagsabi na, “Napakahuhusay ng mga artista ko rito at wala akong ibang maisip na very effective na makaka-portray ng role kundi sina John Lloyd at Bea!”

 

SINA BOSSING Vic Sotto at Richard Gomez ang dalawang local actors ang binanggit ni Bea na posibleng ma-fall siya. Samantalang si John Lloyd, ang isinagot niya ay si Mylene Dizon.

Maging sina Lorna Tolentino at Amy Austria ay binanggit din ni Lloydie na puwede siyang ma-attract, although sinabi na earlier ni JLC na na-attract na rin siya dati sa older women.

Ayaw na naming itanong kay Lloydi kung si ______ ay isa sa mga older women na na-attract siya, dahil nakahihiya naman sa “status” ng older woman na ‘yon. Hehehe.

At tama rin naman si John Lloyd in telling the press people na okay sila ni Bea at hindi nila kailangang magkainlaban para lang kiligin ang mga tao.

Kaya nga raw sila nakakapagtrabaho nang matino ay dahil wala silang relasyon at hello, oo nga naman! Ten years na ang kanilang loveteam simula nu’ng “KayTagal Kang Hinintay” teleserye nila na sina Direk Olive at Direk Lauren Dyogi ang unang sumugal.

Kaya heto na ang anniversary gift nila sa kanilang mga fans, ang The Mistress.

Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Bea Alonzo, mapangahas na sa role!

  1. D NA NAKKAGULAT KHIT MAGHUBAD AT MAKIPAGLAPLAPAN PA C BEA ALONZO KC LASPAG NA YAN WALA NG IINGATAN NA PURI…BWAHAHAAHAHAHAHA

  2. I like Bianca Manalo. Ogie, baka palpak ka na naman. Mahilig kang mag blind item ng hindi tutoo. Naalala mo si Empress Schuck? Na blind item mo siyang buntis, Clue mo pa, nakuryente. Dapat idemanda ka na Ogie ng mga ito. Sinungaling ka.

    • Sa tingin ko, mas mabango ang keps ni jean garcia kesa kay  ruffa gutierrez kc ibat ibang titi na ang nakapasok kay ruffa..wajaja

  3. Babalik na kaya ang mga movie goers na nega kay BEA dati , dahil sa paniwala na AHAS siya?
    Mukhang naapektuhan ang career ni Bea at Gerald dahil sa controversy na yun!
    Ano kaya ang dating sa mga misis ni Richard Gomez ,flavor of the year ni Vic Sotto, at kay Charlene na nag interview sa The Buzz, sa pagpili ni Bea sa kanila? Flattered kaya or concerned?
    Nabawasan kaya ang mga fans na manood kay JLC dahil sa nangyari nila ni SHAINA?
    At yung ayaw kay ANGELICA at naawa kay SHAINA?
    Ang kasagutan; abangan sa resulta ng THE MISTRESS sa takilya !

  4. obvious namang si bianca manalo yung blind item, obvious na sa mga given clues, matangkad na aktres aktresan-kakahiwalay sa unanong aktor aktoran-at kumain ng mga prutas tulad ng prutas na rich in potassium like banana,dba may flop show sya dating may banana ang titulo.

    .

    hindi lang naman si ruffa guttierez ang nabalitang nakarelasyon ni john loyd na nasa kategorya ng old women, pati si jean garcia nabalita na rin sila. kaya wag na tayong magtaka kung in the future ang papakasalan ni john loyd mas matanda sa kanya.

  5. Si bianca manalo BI?! Sabi sa clue,prutas daw na pinagkukunan ng potassium. Banana ang may mayaas na potassium..so Juanita Banana..lalo na matangkad daw yung actress. Sana hindi totoo dahil gusto ko si Bianca.

Leave a Reply

Your email address will not be published.