Bea Alonzo, makikipagpukpukan na rin sa pagpapa-sexy!

MAKIKIPAGSABAYAN NA rin si Bea Alonzo kina Anne Curtis, Cristine Reyes at Angel Locsin sa pagpapa-sexy sa bago niyang pelikula under Star Cinema. Hindi sapat ang pagiging actress para sa mapaghamong papel na kanyang gagampanan na dinirek ni Olivia Lamasan.

May kaba at takot ang dalaga sa mga daring scenes kung tatanggapin siya ng publiko. Napaka-controversial daw ang role niya rito. Hindi pinag-uusapan ng society pero it’s exists. Kinailangan pa ng dalaga na magkaroon ng immersion para ma-bigyan ng justice ang role na kanyang gina-gampanan.

Nakabitin sa ere kung ano ba talaga ang role ni Bea sa sinasabing masterpiece ni Direk Olive. Kaila-ngan pa raw malaman niya kung papaano sila (character) gumalaw at kumilos. Nakaka-excite daw, pero nakakaintriga ‘yung character kasi nga rare ‘yung ganoong klase ng babae. Tipong medyo complex ‘yung character. Nagkaroon ng one-on-one talk sina Bea at Direk Olive para ma-feel nito ‘yung bigat ng role na ibinigay sa kanya.

Ilan sa production staff ni Direk Olive ay nakausap namin. Ibang klaseng Bea Alonzo raw ang makikita namin once na mapanood ito on the big screen. Bukod sa napakagaling na actress, napaka-sensual pa nito sa pelikula. Malayung-malayo sa mga movies na nagawa na niya in the past na mostly ay conservative types of roles. Super hot, hot, hot daw ang love scenes na ikagugulat daw ng viewing public. Walang sinabi ‘yung bedscenes nina Derek, Anne, Cristine at Angel, ayon sa kausap namin. Liberated woman na okay lang makipag-sex sa sinumang matipuhan niya.

Sobra naman ang paghanga si Derek Ramsay kay Bea as an actress. (Inalis na si Derek sa pelikula bilang leading man ni Bea). Maraming beses na rin silang nagkasama sa pelikula. Nand’yan ang One More Chance at And I Love You So plus sa teleseryeng Magkaribal with Gretchen Barretto. Relax na sila sa isa’t isa kaya’t maganda lumabas ‘yung bedscene. At first, medyo may ilang factor, dahil first time silang may ganu’ng eksena. Eventually, naging relax na sina Bea at Derek, hindi nahirapan si Direk Olive sa mga daring scenes.

Ano kaya ang magiging reaction ni Zanjoe Marudo once na mapanood niya ang maiinit na eksena ni Bea at Derek? Knows naman raw ng actor na may ganu’ng eksena ang dalawa at nauunawan niya ang dalaga dahil artista rin siya. Sa kaso naman ni Derek, hindi raw mate-threaten ang dyowa ni Bea dahil sa mga daring scenes nila dahil mag-buddies pala sina Derek at Zanjoe.

Sige nga, alaman natin kung may katotohanan ang mga tsikang aming nasagap tungkol sa latest movie nina Bea at Derek. Sa totoo lang, napaka-suwerte ni Derek. Natitikman niya ang naggagandahang dilag sa showbiz kahit sabihin pang akting-akting lang ito in front of the camera. Sana naman, ito na ang huling bed scene ni Derek with Bea para hindi siya pagsawaan ng manonood. Balitang may bed scene uli si Derek with KC Concepcion at Anne Curtis sa first movie niya sa Viva Films. Nakakaumay nang panoorin ang dyowa ni Angelica Panganiban sa mga love scenes.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Bea Alonzo, makikipagpukpukan na rin sa pagpapa-sexy!

  1. Go Bea!yung iba nga jan na puro balakang at pandak eh nag topless sa TV ikaw pa kaya na sobrang sexy at ganda?diba Marianitang BASAGULERA?bwahahaha

  2. GO BEA! YUNG IBA NGA DYAN GURANGIS NA AT PURO BILBIL ANG KATAWAN EH PURO PA-SEXY PA IKAW PA NA UBOD NG GANDA AT SEXY……………DI BA ANGHIT FOKSIN?……….BWAHAHAHAHAHAHAHAHAH

  3. Go go go Bea !!! Last card mo na to… Huwag ka ng magpatumpik-tumpik bago ka tuluyang malaos noh !!! Naku naman Bea, mag-focus ka nga sa career mo bago kakatihan mo dahil napag-iiwanan ka na noh !!!!!!!! Desperate ka na talaga dahil pati kay ‘Wako-Wako’ ay nagwi-wish kang magkaroon ng maraming projects, diba hahahahahaha …

  4. KAHIT NAMAN MAGHUBAD SIYA SO WHAT…..LAOS NA SIYA…PINAGSAWAAN NA RIN NAMAN SIYA NI ZANJOE PANGHI…YAN KASI PARANG MAUUBUSAN NG LALAKI..KAHIT PANGHING LALAKE MAKE PATOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.