Bea Alonzo, karapat-dapat nang bigyan ng acting award!

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino itong male politician celebrity na may kuwentong isang panahon ay nakikitang madalas sa isang girlie club d’yan sa may Quezon City.

VIP nga kung ituring ang bida natin dahil nga nanggaling ba na naman siya sa isang prominenteng pamilya. Kaya naman oras na makita na ang kanyang sasakyan na paparating ay nagkukumahog na ang mga manager ng club.

Pati nga ang may-ari ng club ay siya pa itong pumipili ng babaeng makakasama ng ating bida ngayon.

Kaya lang ang tsika ay boring nga raw ang male celebrity dahil nga kahit na dalawa o tatlong oras na sila kasama ng GRO ay parang walang nangyayari.

Inom lang ng softdrinks at pasiga-sigarilyo ito habang kaharap ang babaeng sexy. Walang wenta sabi ng girl na na-table niya.

Kilala n’yo na ba kung sino?

Nagtataka rin ang may-ari ng club na bakit nga ganoon ang nangyayari? Front nga lang ba ng ating male celebrity ang pagpunta sa club? O hindi lang niya feel ang ang ibinibigay sa kanyang mga babae?

Dagdag pa sa aming tsika ay nakara-ting sa kanyang magulang ang madalas na pagpunta niya ng club. Kaya hayun at ginera nga ni magulang ang may-ari ng club. At nagbantang ipasasara ang nasabing club.

O, knows, n’yo na ba kung sinex siya?

KUNG HINDI magbabago ang pasok ng mga tao sa sinehan para manood ng The Mistress, sigurado na ngang si Bea Alonzo ang pinakamalakas o pinakamalapit na koronahang “Box-Office Queen. Malapit-lapit na sa P200 million ang kinita  ng said movie.

Sadyang matalino na nga ang manonood ngayon dahil alam na nila ang mga movie na maganda at basura. Alam na nila kung ano ang nakaka-entertain na pelikula. ‘Yun bang paglabas mo ay natuwa ka at sulit ang P200 mong ibinayad. Dapat ngayon ay nakaka-entertain ang isang movie at sadyang may kalidad.

May nagsasabi tuloy na suwerte na nga sa pag-ibig itong si Bea dahil nga may Zanjoe Marudo siya ay ganon din sa kanyang showbiz career.

May nagsabi rin sa amin na isang kaibigan na si Tony Aguilar na isang film reviewer, commentator, production designer, director na dito sa movie na The Mistress ay dapat na bigyan na ng award si Bea. Ito raw ang pinakamahusay na  pagganap ng dalaga. At sabi pa nga niya, dapat nga ay noon pa binigyan si Bea.

O, ayan paging award-giving bodies. Kung hindi ngayon, kelan pa nga raw bibigyan? Well…

 

HANGGANG NGAYON, hindi pa rin masagot ni Kris Aquino ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Hindi

 

niya kasi ito masagot nang tanungin siya ni Chiz Escudero sa kanyang TV show na KrisTV sa ABS-CBN.

 

“Give me until December to decide,” sey ni Kris.

‘Yan ang aabangan natin….

 

SI JASON Abalos ang napipisil ng isang independent producer para gumawa ng isang indie  film na Noli Me Tangere. Inaayos na ang script at ang inyong lingkod ang casting director.

 

BLIND ITEM pa: Sino itong drama actor na nangha-hunting ng mga lalaki sa may bandang Laguna at dadalhin naman niya sa Tagaytay sa house ng kanyang kaibigan…?
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

6 thoughts on “Bea Alonzo, karapat-dapat nang bigyan ng acting award!

  1. TEKA, DI BA MAY ACTING AWARDS NA SI BEA? NATATANDAAN KO MERON NA SIYA SA PAGGANAP NIYA NOON SA SAYO LAMANG… ANG TANGA NAMAN NG WRITER NA ITO AT SASABIHING WALA PANG ACTING AWARD SI BEA? HMMMM

Leave a Reply

Your email address will not be published.